SINABI ni National Capital Region Police Office Director Maj. Gen. Guillermo Eleazar na wala mayor ng Metro Manila ang sangkot sa iligal na droga.
“Based on our record, wala tayong mayor ngayon na sa record namin is involved sa ilegal na droga. Ayun gusto kong i-klaro yo’n ah,” sabi ni Eleazar.
“Sa Metro Manila, yung 17 na mga mayors, nire-review ko, chine-check, wala,” ayon pa kay Eleazar.
Tiniyak naman ni Eleazar na patuloy ang pagmomonitor sa mga lokal na opisyal at maging sa mga pulis.
“Malaking bagay pa rin ang ating LGU kung pano impluwensya niya, kung paano niya pinakikita ang kanyang paglilingkod sa ating bayan at kung papaano…dinidiinan niya na: Do’n tayo sa tama at lahat ng ilegal ay hindi dapat ginagawa,” sabi ni Eleazar.
Pormal nang naupo bilang bagong mayor sina Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, San Juan City Mayor Francis Zamora at Pasig City Mayor Vico Sotto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.