BiGuel loveteam aprub sa paglipat ng timeslot ng Sahaya: It's a challenge! | Bandera

BiGuel loveteam aprub sa paglipat ng timeslot ng Sahaya: It’s a challenge!

- July 04, 2019 - 12:20 AM


POSITIBO ang pagtanggap nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa paglipat ng kanilang primetime series na Sahaya sa mas maagang timeslot.

Napapanood na kasi ang Sahaya pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad. Ito ang pumalit sa timeslot na iniwan ng Kara Mia nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.

Ayon sa tambalang BiGuel, mas okay daw na pinaaga ang oras ng Sahaya dahil karamihan daw sa mga BiGuel supporters ay estudyante o mga tweens na kailangang maagang matulog sa gabi dahil may pasok pa sila kinabukasan.

“Tama naman po ‘yun since most of the people who support Miguel and I are young people, the earlier time slot will help us para mapanood nila kami,” ang pahayag ni Bianca.

Hindi rin daw masyadong nagpapa-pressure ang buong production ng serye sa ratings dahil mas focused sila kung paanong mas mapapaganda ang programa para sa kanilang mga loyal viewers.

“Ever since we started the show, we never really based our show on the ratings or time slot or kung ano ‘yung katapat namin or sino – we only focus sa story namin,” sey pa ni Bianca na habang tumatagal ay mas lalong gumaganda at sumeseksi.

Para naman kay Miguel, isang malaking challenge hindi lang para sa kanila ni Bianca ang makatapat ng Sahaya ang long-time running primetime drama sa kabilang network, kundi pati na rin sa lahat ng taong bumubuo sa serye.

“Siyempre alam naman namin na ‘yung show na katapat namin ay sobrang established na, kung baga mas motivated lang kami ngayon,” ani Miguel.

Sa pagpapatuloy naman ng Sahaya sa GMA Telebabad, muling haharap sa panibagong hamon si Sahaya (Bianca) matapos maaksidente ang inang si Manisan (Mylene Dizon). Nangyari ito matapos silang mag-away sa kalye ni Irene (Ana Roces) dahil kay Harold (Zoren Legaspi).

Hindi nangyari ang inaasahan ng mga viewers na babangon at lalaban na si Manisan kay Irene at kay Salida (Snooky Serna) na ayaw pa ring tumigil sa pang-aapi sa kanila ni Sahaya.

Ang tanong, mabuhay pa kaya si Manisan at ano ang gagawin ni Harold kapag nalaman niyang si Irene ang may kagagawan kung bakit naaksidente at agaw-buhay ang babaeng tunay na minamahal? Tutukan din kung ano ang susunod na mangyayari sa love story nina Sahaya at Ahmad (Miguel) matapos isakripisyo ng binata ang pagmamahal sa dalaga?

q q q

Speaking of Bianca Umali, sa nakaraang mediacon ng pelikulang “Family History”, inamin ng dalaga na super na-starstruck kay Dawn Zulueta na siyang leading lady ni Michael V sa pelikula.

“Hinding-hindi ko po makakalimutan, we’re going to have the script reading po, for the movie.
“Pagkapasok na pagkapasok niya po sa room, pagkakita ko po sa kanya, sobrang na-starstruck ako.

Super! And then, I know that she noticed. I know that it was embarrassing. “But I couldn’t stop staring at her because she was so beautiful! And favorite po kasi kayo ng lola ko!” kuweto ng Kapuso star.

Napapangiti naman si Dawn na katabi lang si Bianca during the presscon. Dagdag pa ng dalaga, sana raw ay makita rin ng kanyang lola si Dawn nang personal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang “Family History” sa July 24 mula sa GMA Pictures at Mic Test Entertainment, written, co-produced and directed by Bitoy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending