Gawin ang tama at nararapat | Bandera

Gawin ang tama at nararapat

Beth Viaje - July 03, 2019 - 12:15 AM

ATENG Beth, magandang araw sa iyo.
May boyfreind po ako ngayon pero ang kaso ay pareho na kaming may sari-sariling pamilya.
Mahal na mahal ko po siya.
Ano ang gagawin ko?
May Jane

Magandang araw rin sa iyo, Mary Jane. Kapag ba sinabi ko sa iyo, gagawin mo? O baka naman susundin mo pa rin ang sinasabi mong pagmamahal?
Mary Jane, alam mo na ang gagawin mo or ang dapat mong gawin. Tingin ko’y naghahanap ka lang ng kakampi sa iyo na siyang magdya-justify nang gusto mong mangyari at iyon ay panatiliin ang inyong relasyon kahit mali.
Alam mo na na may mali sa desisyon at sitwasyon mo kaya di ka makagalaw at ngayon ay naghahanap ng kakampi sa iyo.
Paalala ko lang sa iyo ‘te, may pananagutan na kayo sa mga pami-pamilya ninyo. Huwag puro sarili lang ang intindihin.
At ikaw bilang babae, kaya mo bang pabayaan ang pamilya mo? I’m sure sa sandaling ito, ang dami mong masasabi na kulang at mali sa asawa mo, sa anak mo, sa pamilya mo, sa buhay mo.
At ang lahat ng kulang at mali ay naitatama ng boypren mo, tama?
Until mabuksan din ang mata mo at makita mo na marami ring mali at kulang sa lalaking pinaguukulan mo ng espesyal na pagtingin ngayon.
So, gawin mo ‘yung tama, Mary Jane. Gawin ang nararapat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending