Warning ni Isko: Ipakukulong ko ang mga abusado
NAKAUPO na bilang bagong mayor ng Maynila si Isko Moreno. Sa lahat ng mga pulitikong nagtagumpay nu’ng nakaraang halalan ay si Mayor Isko ang may pinakamakulay na buhay.
Napakasarap balikan ng kanyang kabataan, ng mapaghamong buhay na pinagdaanan nila ng kanyang ina, ang naging buhay niya bilang mamamatsoy ng mga basura.
Ayon kay Mayor Isko ay malaki ang pagkakaiba ng namamatsoy ng mga basura sa basurero. Ang tulad ng kanyang pinagdaanan ay may hawak na mahabang bakal na may kataliman ang pinakadulo.
‘Yun ang ginagawa niyang pangtusok sa mga basurang iniipon niya para ibenta pagkatapos. At dahil alam niya ang kasaysayan ng basura ay isa ‘yun sa kanyang mga prayoridad na tututukan ngayong nakaupo na siyang mayor ng lunsod ng Maynila.
Tahasan din niyang sinasabi na tapos na ang pangongotong ng mga tiwaling opisyal ng Maynila, hindi siya mangingiming magpakulong ng mga mang-aabuso sa kanyang mga nasasakupan, ganu’n katindi ang mga binitiwan niyang pahayag sa kanyang panunumpa.
Sa pagkapanganak pa lang daw natin ay nakaguhit na sa ating mga palad kung ano ang magiging kinabukasan natin.
Pero hinahanap ang kapalaran, hindi hinihintay lang, tulad ng ginawang pagsaliksik ni Mayor Isko Moreno kung paano niya mabibingwit ang katuparan ng kanyang mga pangarap.
SAMA-SAMANG nanonood ng TV nu’ng gabing ‘yun ang mga dating katrabaho ng isang singer-actress.
Alam na alam ng mga ito ang kanyang ugali. Hindi pa man siya kilala ay kakaiba na ang kanyang ugali.
Naalala rin ng tropa kung paanong nabaliw-baliw sa katrabaho niyang singer-actor ang girl, halos hindi na siya umuuwi pagkatapos ng kanilang trabaho, minamanmanan niya kasi ang male personality sa mga lakad nito.
Kuwento ng unang becki sa umpukan, “Naku, ang luka-lukang ‘yan! Naalala ko tuloy kung anu-ano ang mga pinaggagawa niya nu’ng nakakasama pa namin siya sa trabaho!
“Tapos na ang taping namin, tumatawag na sa production ang mommy niya kung tapos na kami, pero gumagawa talaga siya ng paraan para hindi muna umuwi!
“Kesyo may biglaang invitation sa kanya para sa birthday party ng isang friend niya, kesyo meron siyang kausap na show promoter, kung anu-anong drama ang sinasabi niya sa madir niya!
“Pero ang totoo, e, sinusundan-sundan lang niya ang actor-singer na super-love niya, pero mukhang may ibang girl na pinagkakaabalahan!
“So, ang ginagawa niya, sunod-to-the-max talaga siya sa mga pinupuntahan ng singer-actor! Kung may gig ang tropa, nandu’n lang siya sa audience, nagdi-disguise pa siya!
“Inaabangan niya kasi kung sino ang special someone na nanonood sa gig ng grupo, gusto niyang malaman kung ano ang itsura ng girl!” tawa nang tawang kuwento ng chikadora naming impormante.
Stalker nga ang drama ng young singer-actress dahil hanggang sa subdivision kung saan nakatira ang singer-actor ay sumusunod pa rin siya. Manman-to-death talaga siya.
Patuloy ng aming source, “Grabe talaga ang naging tama niya sa singer-actor na ‘yun! Wala na siyang pakialam kung anuman ang sasabihin ng iba, basta ang alam lang niya, e, patay na patay siya du’n sa male personality.
“Buti naman at nakalimutan na niya ang guy na iniyakan niya gabi-gabi, may pamilya na ngayon ang male personality, may mga anak na sila ng wife niyang artista rin.
“At may boyfriend na rin ngayon ang hitad, mukhang seryoso naman sa kanya ang guy at pakakasalan siya sa lahat ng simbahan. Ang taklesang babaeng ‘yun, bantayan lang sana niya ang dila niya, dahil baka ma-persona non grata na naman siya!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na, hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.