Jinkee Pacquiao hindi nagpapaalam kay Pacman pag bumibili ng branded bag
HINDI pala nagpapaalam si Jinkee Pacquiao sa kanyang asawang si Sen. Manny Pacquiao kapag bibili siya ng mga branded bag.
Ito ang inamin ni Jinkee sa isang video na kumakalat ngayon sa social media.
Dito ibinahagi ng misis ni Pacman kung anu-ano ang mga favorite niyang luxury bags.
Aniya, ang kanyang ultimate favorite bag ay mula sa kanyang Hermes Himalayan Bag collection.
“Medyo expensive siya, ito ang pinakamahal na bag sa lahat ng Hermes ko na bag,” chika pa ni Jinkee.
In fact, sa ilang Instagram photos ni Jinkee, makikita lagi na ang gamit niya ay ang kanyang super expensive Hermes bag.
Love na love rin daw niya ang kanyang Hermes Birkin bag, Hermes Kelly Ghillies Bag at Goyard Handbag.
At nang tanungin na nga siya sa nasabing video kung alam ba ng Pambansang Kamao kapag bumibili siya ng mga mamahaling bag, ito ang kanyang tugon, “Ay hindi, minsan hindi niya alam ‘yung mga price ng mga bag ko.
“Minsan nalalaman na lang niya sa iba. ‘Mahal pala ‘yan! Meron ding ganyan si Jinkee ha,’ Ganoon siya,” sabi pa ng Senator’s wife.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.