Prangkisa ng naaksidenteng bus sa NLEX sinuspinde ng LTFRB
SINUSPINDE ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang prangkisa ng may-ari ng bus na naaksidente sa North Luzon Expressway na nagresulta sa pagkamatay ng walo katao kagabi.
Saklaw ng suspension order ang 19 na bus ng Buena Sher Transport Corp. ang operator ng Del Carmen bus na ang biyahe ay Cubao-Sta. Maria, Bulacan.
“Meanwhile, we have sent people to investigate the road crash. Insurance company is also directed to get their people on the ground to initiate processing of insurance benefits of victims,” ani LTFRB chairman Martin Delgra.
Papunta sa Cubao ang bus ng mabangga nito ang isang AUV sa NLEX. Maaaring tinangka pa umanong umiwas ng driver subalit tumama ang bus sa barrier dahilan upang tumagilid ito.
Bukod sa walong nasawi ay may 25 iba pa ang nasugatan at dinala sa iba’t ibang ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.