Warning ni male celeb kay aktor: Tsugi agad sa teleserye pag bumalik sa bisyo
MATINDING dusa ang inaabot ngayon ng isang male personality na sumusumpang magbabago na siya.
Marami siyang pinangakuan tungkol sa kanyang pagbabago na mukhang kinakarir niya naman pero ayon sa mga saksi ay talagang matinding sakripisyo ang kanyang inaabot ngayon.
Dating pasaway ang male personality, daang beses na siyang sumumpa na talagang magbabago na siya, pero mukhang sa ilong lang naman ‘yun nanggagaling.
Kuwento ng aming source, “Wala na ngang naniniwala sa mga salita niya, e. Kasi, panay-panay ang pagsasabi niyang magbabago na siya, na tatalikuran na niya ang bisyo niya, pero paulit-ulit pa rin naman niyang ginagawa.
“Kahit ang family niya, e, sawang-sawa na rin sa kanya, gusto na nga siyang pabayaan, pero nananaig pa rin ang matinding malasakit nila sa male personality,” simulang chika ng aming impormante.
Huwag naman sanang mausog, pero mukhang pinaninindigan na ng male personality ang pagbabago ngayon, meron na siyang matatag na disposisyon kahit pa mga kaibigan na niya ang nagyayaya sa kanyang mag-happy-happy.
Patuloy ng aming source, “Naku, matindi na ang mga ginagawa niyang pagtitiis ngayon, kahit pa parang hindi na siya makahinga dahil sa pagbaklas sa dati niyang bisyo, e, talagang naninindigan na siyang magbabago.
“May mga friends siya na para siyang tinutukso, niyayaya siyang mag-bar, pero wala na siyang time para sa ganu’n. Tumatanggi na siya, hindi tulad nu’ng dati na masyado siyang kaladkarin sa pagba-bar!
“Meron pala kasi siyang iniingatan at kinatatakutan, ‘yun ang taong kumausap sa kanya nang masinsinan bago siya napanood sa isang panalung-panalong serye. May mga binitiwan pala siyang pangako sa personality na ‘yun na kapag hindi niya natupad, puwede siyang tsugihin sa palabas!
“‘Yun ang talagang iniingatan niya ngayon, ang matukso uling bumalik sa bisyo niya na ang magiging epekto sa buhay niya, e, ang pagkawala ng kanyang trabaho.
“Alam na alam niya na tototohanin nu’ng male personality na nakausap niya ang mangyayari kapag naging pasaway na naman siya. Grabe ang taong ‘yun, maninigbak siya ng mga pasaway!
“Mas magandang kumain na lang siya ng pandesal na may palaman na coco jam kesa sa bumalik sa bisyo niyang nagbigay sa kanya ng indulto sa buhay!” pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, alam na! Hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.