NASA loob na ng Philippine Area of Responsibility ang Low Pressure Area na inaasahang magpapaulan sa bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration Huwebes ng gabi ng pumasok ang LPA na maaaring maging bagyo sa loob ng dalawang araw at tatawaging Egay.
Kaninang umaga ito ay nasa layong 890 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Palalakasin ng LPA ang Hanging Habagat na magdadala ng pag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending