WALA nang ulo nang matagpuan ng mga awtoridad ang isang fetus, sa dump site ng Ayungon, Negros Oriental, Miyerkules ng hapon.
Nadiskubre ng mag-asawang Alberto at Linda dela Peña, ang lalaking agas habang nangongolekta ng kalakal sa dump site sa Sitio Ongcangan, Brgy. Awa-an, dakong ala-1, ayon sa ulat ng Negros Oriental provincial police.
Agad nagtungo ang mga pulis nang malaman ang insidente, pero wala nang ulo ang fetus nang datnan.
Sinabi ng mga Dela Peña na sa una’y nakakita sila ng aso na tila may kinakain sa loob ng isang kahon, at nang kanilang lapita’y nakitang kagat-kagat nito ang ulo ng fetus.
Napag-alaman sa municipal health officer na ang agas ay 36 hanggang 37 linggo pa lamang nabubuo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.