‘Rosang Agimat’ ni Manoy hindi na itutuloy ng GMA | Bandera

‘Rosang Agimat’ ni Manoy hindi na itutuloy ng GMA

Cristy Fermin - June 27, 2019 - 12:20 AM


MARAMING naapektuhan ang pagpanaw ni Manoy Eddie Garcia. Walang may gusto sa naganap, pero nangyari na nga, na naging dahilan ng kanyang pagkawala.

Maraming nagtatanungan ngayon kung itutuloy pa rin ang seryeng Rosang Agimat na pagbibidahan sana ni Gabbi Garcia, sa set kasi ng serye nangyari ang aksidente, tuloy pa rin daw ba ‘yun o hindi na?

Nu’ng isang araw, ayon sa aming impormante, ay nagkaroon ng meeting ang produksiyon. Ang napagkasunduan ay hindi na muna itutuloy ang serye, ibang proyekto na lang ang ipapalit, shelved na ang Rosang Agimat.

Isa sa mga nalungkot sa pagkawala ni Manoy Eddie ay si Jeric Gonzales. Idolo niya kasi ang magaling na aktor-direktor. Lumaki siya sa panonood ng mga pelikula ni Manoy.

Kung si Jeric ang tatanungin ay mas gusto niyang buhay si Manoy Eddie, nandiyan man o wala ang seryeng kasama siya, apektado ang aktor sa kinahinatnan ng kanyang idolo.

Maganda pa naman sana ang gagampanan niyang role sa serye, hahamunin ang kanyang kapasidad sa action, pero hindi na ‘yun matutuloy ngayon.

Malaki naman ang tiwala ng GMA 7 kay Jeric Gonzales, marami pang nakaabang na proyekto para sa kanya, kaya sinasamantala niya ngayon ang panahon para sa paghahanda sa mga palabas na ipagkakatiwala sa kanya ng network.

Sabi nga, kundi ukol ay hindi bubukol, marami pa namang pagkakataon para kay Jeric Gonzales na puwedeng isalang sa iba-ibang linya dahil bukod sa pag-arte ay mahusay rin siyang kumanta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending