IBINANDERA ng transman singer na si Jake Zyrus ang bago niyang itsura sa kanyang Instagram account.
In fairness, lalaking-lalaki na ang aura niya ngayon dahil tinutubuan na siya ng facial hair. Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Jake ang kanyang litrato kung saan makikita na ang tumutubong bigote sa kanyang upper lip at balbas sa kanyang baba.
Walang caption na inilagay ang singer sa kanyang IG post. Naka-turn off din ang comment section sa IG post ng singer.
Proud member ng LGBTQ+ si Jake na unang nakilala bilang si Charice Pempengco. Nag-out siya noong June 2, 2013 bilang isang tibo at noong March 29, 2017 sumailalim siya sa female to male (FTM) chest reconstruction surgery (top surgery) o ang pagpapatanggal sa kanyang boobs.
Karelasyon ngayon ni Jake ang non-showbiz na si Shyre Aquino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.