Sylvia Sanchez kinakarir ang pagiging singer, vlogger | Bandera

Sylvia Sanchez kinakarir ang pagiging singer, vlogger

Reggee Bonoan - June 27, 2019 - 12:10 AM

SINERYOSO pala talaga ni Sylvia Sanchez ang pagiging vlogger. Nabanggit kasi niya sa staff ng internet provider nang mag-upgrade siya ng kanyang cellphone unit na isa siyang vlogger.

Ang iminumungkahi kasing cellphone unit ng internet provider staff kay Ibyang ay 128GB ang internal memory na kulay rose gold at bagay daw sa kanya.

Tinanong ni Sylvia kung anu-ano ang available na unit at kung ilang gig ang memory, “May 256 internal memory din po,” saad ng staff ng internet provider.

Ito ang pinili ng aktres, (256 gig) pero sabi ng kausap niya, “Sobrang malaki na po ‘yun Ma’am, okay na po para sa inyo ang 128 gig.”

Pero makulit ang aktres at gusto raw niya talaga ang malaking memory, “Ma’am kung pictures at videos ang paggagamitan n’yo, okay na ang 128. ‘Yung 256 gig po kasi pang vlogger na ‘yun. ‘Yung maraming videos ang ina-upload,” kaswal na paliwanag ng staff.

Walang kagatol-gatol na sagot ni Ibyang, “Vlogger ako, eh!” na ikinagulat naming mga kasama ng aktres na pati ang staff ay hindi agad naka-react na ang tanging nasabi na lang ay, “Okay po.”

Pag-alis ng staff ay biniro namin ang aktres ng, “May bago ka nang career? Vlogger ka na?” Tumawa si Ibyang sabay sabing, “Oo nga, vlogger ako.” Alam naming nagbibiro siya kaya nagkatawanan na lang ang lahat.

Kaya namin ikinuwento ito ay totoong vlogger na ngayon ang aktres at nakaka-pitong episodes na siya: “Tungog,” “Tabuan”, “Budots”, “Patintero”, “Pinaiyak nila Ako” (Hongkong part 1) at “Hongkong part 2” at “Dancing Queen.”

Ang mga nabanggit na titulo na makikita sa YouTube ni Sylvia Sanchez ay may kinalaman sa naging buhay niya noon sa Nasipit, Agusan del Norte kung saan siya lumaki at nagkaisip.

Bukod sa pagiging vlogger, pinasok na rin ni Ibyang ang pagiging singer na nagagamit niya sa mall shows bilang promo sa mga programa niya at ng ineendorso niyang Beautederm.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aminado ang isa sa bida ng upcoming serye ng ABS-CBN na Project Kapalaran na kumakanta-kanta na rin siya noon sa eskuwelahan mahit sintunado. Mahilig din siyang sumali sa singing competition para makakain nang libre kasi nga wala siyang pambili, kropek lang ang lagi niyang kinakain noon. Aniya, “From kropek na kinakain ko noon, ngayon pizza na, level up na.”

Goodluck sa singing career, Ibyang!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending