HABANG papalabas ang bagyong Dodong, isang low pressure area naman ang papalapit sa Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ngayong umaga ang bagyong Dodong ay inaasahang lalabas na ng PAR. Nasa layo itong 1,380 kilometro sa hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Ang bagyo ay umuusad sa bilis na 15 kilometro bawat oras. Ang hangin nito ay may bilis na 45 kilometro bawat oras at pagbugsong 60 kilometro bawat oras.
Isang LPA naman ang namataan 435 kilometro sa kanluran-hilagang kanluran ng Coron, Palawan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.