HUMAHARAP man sa kontrobersya ang Philippine Olympic Committee (POC) matapos magbitiw sa kanyang puwesto ang pangulo nitong si Ricky Vargas hindi ito dapat makaapekto sa paghahanda ng mga atletang Pinoy na sasabak sa 30th Southeast Asian Games.
Ito ang naging pananaw ni Philippine Handball Federation secretary-general Dr. Ernesto Jay Adalem.
“There is nothing wrong with the change of leadership now. Kung nawala ‘yung isa, may papalit naman. Tuloy-tuloy lang dapat ‘yung paghahanda natin para sa SEA Games,” sabi ni Adalem sa ginanap na ika-27 edisyon ng “Usapang Sports” na hatid ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes ng umaga sa National Press Club sa Intramuros, Maynila.
“Let’s tell our athletes na huwag hayaang maging hindrance sa training and preparations nila ‘yung mga gusot na nangyayari ngayon. Don’t be annoyed by the situation we have now,” sabi ni Adalem sa sports media na dumalo sa lingguhang forum na suportado ng Philippine Sports Commission, National Press Club, Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), Community Basketball Association and HG Guyabano Tea Leaf Drinks.
Nalungkot man sa pagbibitiw ni Vargas, tinanggap naman ni Adalem ang pagkakatalaga sa dating pinuno ng Gintong Alay na si Joey Romasanta bilang bagong pangulo ng POC.
“In my humble opinion, I think it is only fitting that Mr. Romasanta will take over as president when Mr. Vargas resigned. I am not a lawyer but I think Mr. Romasanta should be allowed to take over for now. There may be some loopholes, but I am sure there is also legal remedy to resolve this issue,” dagdag pa ni Adalem.
“Tumigil muna sila sa politika. Kesa mag-election na naman agad, let Joey handle things. Sanay na naman siya. Alam na niya ang gagawin.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.