Rochelle pumayat agad matapos manganak: Sa tulong din ng asawa ko | Bandera

Rochelle pumayat agad matapos manganak: Sa tulong din ng asawa ko

|June 20,2019
facebook
share this

Rochelle pumayat agad matapos manganak: Sa tulong din ng asawa ko

- June 20, 2019 - 12:15 AM


MARAMING nanay, lalo na ‘yung mga kapapanganak pa lang ang na-inspire sa pa-hashtag #BodyGoals ng Kapuso actress-dancer na si Rochelle Pangilinan.

Sa kanyang Instagram account, ibinandera ng dating leader ng Sexbomb Girls ang resulta ng kanyang pagwo-workout ilang buwan matapos niyang ipanganak ang panganay nila ni Arthur Solinap na si Shiloh Jayne.

Ayon sa first time mom, sa loob lang ng tatlong buwan ay napakalaki na ng nabawas sa kanyang timbang.

Lumobo rin kasi siya nang bongga mula nang ipagbuntis hanggang sa ipanganak niya si Baby Shiloh.

Aniya, malaki ang naitulong ng kanyang asawang si Arthur sa kanyang pagpapapayat dahil kapag nasa gym daw siya ay ang Kapuso actor ang nag-aalaga sa kanilang anak.

Narito ang caption ni Rochelle sa ipinost niyang “before and after” photo sa IG: “My post partum body, walang makakaligtas and I Love it! Kasama yan sa napakadaming pagdadaanan bilang isang ina.. pagkatapos kong manganak mukha pa rin akong 9 months preggy, aanhin ko ang sexy na pangangatawan kung wala naman si Shiloh.

“Pero 1 hour light exercise lang everyday at sa tulong ng asawa ko @arthursolinap (sya muna ang bantay), kahit papaano ay maibabalik ko din ang dating weight, unti-unti,konting push, tyaga at sipag na din,

“Napa smile na lang ako ng makita sa salamin na medyo ok na pala, kaya tara na! Puuuuush!!???? #postpartumbody #linyanegraisreal #whoruntheworld,” aniya pa.

Narito ang ilan sa mga comments ng kanyang followers.

Ani @avhichoney23, “Wow in just 3months? How to be you po @rochellepangilinan ano pong light exercise and diet mo po…pashare naman… hehehe!”

Chika naman ni @neomu_apaso, “Share mo nmn po work out and diet na ginawa mo @rochellepangilinan. Nakakaengganyo namang magpapayat uli.

Ito naman ang sey ni @waning.kyrie, “Kaya sana to kaya lang wala magbabantay sa anak ko.”

Chika naman ni @kheyehm22, “OMG sana ako din masipag mag exercise!”

“Momsh meron ka bang diet meal?” tanong naman ni @aprillerose24.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilang celebrities din ang nag-congratulate sa kanyang #bodygoals tulad nina Iya Villania, Manilyn Reynes, Camille Prats at Diana Zubiri, na pawang mga mommy na rin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending