Aiko umaming nabiktima rin ng mga bully; kinalbo dahil sa aso | Bandera

Aiko umaming nabiktima rin ng mga bully; kinalbo dahil sa aso

Reggee Bonoan - June 18, 2019 - 12:31 AM

AIKO MALENDEZ

ANG pagdiriwang ng Father’s Day ay hindi lang para sa mga tatay ng bawat pamilya kundi pati na rin sa lahat ng mga nanay na nagpapakaama sa kanilang mga anak.

Ito ang buod ng Facebook post ni Aiko Melendez nang batiin niya ang mga ama ng tahanan na talagang ginagampanan ang kanilang responsibilidad sa kanilang mga anak. Isinama na rin niya ang sarili bilang single mom na tumatayong nanay at tatay sa dalawang anak na sina Andrei Yllana at Marthena Jickain.

Bago may masabi ang iba, ang ibig sabihin ni Aiko ay sa kanya nakatira ang mga anak at mahabang oras niyang nakakasama ang dalawang bagets kumpara sa mga ama nilang sina Jomari Yllana at Martin Jickain na may sarili na ring mga pamilya.

Binati rin ng aktres ang tatay niyang si Jimi Melendez, stepdad at kapatid.

Aniya, “Happy Fathers Day sa lahat ng mga tatay! Lalo na sa 2 tatay ko Papa Jimi who is now in heaven. At Daddy Dan Castaneda at sa kapatid kong si Angelo Castaneda na minsan mas OA pa sa tatay ko sa pagmamahal sa akin sa mga anak ko Andre and Marthena.

“Masuwerte rin kayo (Andrei at Marthena) ako ang naging nanay n’yo kasi kahit me mga imperfections si mama hindi naman matatawaran ang pagmamahal ko sa inyo. Hindi ko man madalas masabi sa inyo, pero kayo ang buhay ko.

“Kung dumating man ang araw na me kanya-kanya na kayong buhay lagi nyo tatandaan na wala magmamahal sa inyo higit sa pagmamahal ko sa inyo. Love mama Aiko.”

Samantala, inalala ni Aiko ang nakaraan kung paano siya napasok sa showbiz at mga hirap na dinanas bago siya sumikat at narating ang kinalalagyan niya ngayon. “Aikonfess” ang titulo ng kanyang sinulat.

“Nu’ng bata pa ako lagi ako binu-bully, GI baby ang tawag sa akin ng mga schoolmates at classmates ko, kasi nga naman ung itsura ko bukod sa full bangs, hindi ako marunong mag Filipino o Tagalog. English at Japanese lang ang alam ko.

“Kasi nu’ng dumating kami ng Pilipinas biglaan. Nakitira kami kung san-san ng mom ko andyan natutulog kami sa ilalim ng hagdan ng bahay ng ninang ko kasi puno na bahay nila, hanggang isang araw nagkasakit ako sa balat dahil sa aso ng ninang ko kinalbo ako.”

Online si Aiko kahapon habang tinitipa namin ang balitang ito at sinabi naming nakakaiyak ang kuwento niya pero nakaka-inspire.

“Haba pa dapat niyan, kaso hindi na kasya, eh. Gusto ko nga mag-write ng book ng buhay ko, kaso wala namang time ‘Teh Regs.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya siguro pinagtibay na ako ng panahon. Ang dami-daming hindi alam ng tao sa akin, lalo na nu’ng pagdating namin ng Pilipinas, wala kaming kakilala, parang pelikula ang buhay ko. Wala kaming makain, hays grabe!”
May karugtong…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending