‘Negastar’ na aktres ayaw nang makatrabaho ni male celeb

By Reggee Bonoan June 17,2019
share this

‘Negastar’ na aktres ayaw nang makatrabaho ni male celeb

By Reggee Bonoan June 17,2019
share this


SANA mawala na ang “nega image” ng isang kilalang aktres para naman makakuha na siya ng movie projects.

Ang pangalan kasi ng kilalang aktres ang binanggit sa film producer at director para maging leading lady ng kilalang aktor, pero tinanggihan siya dahil nga hindi maganda ang kanyang imahe.

Nang makausap naman nang solo ang kilalang aktor ay umiling din siya bagama’t okay naman sila ng kilalang aktres kapag nagkikita pero mas maganda raw kung iba na lang ang itambal sa kanya.

Naawa tuloy kami sa kilalang aktres dahil maski sa mga umpukan ng mga katoto kapag may showbiz events ay hindi maganda ang naririnig naming komento tungkol sa kanya lalo’t aktibo rin siyang magbigay ng saloobin sa social media.

Milyones din ang followers niya sa Instagram kaya maraming nakakakita ng mga ipino-post niya kaya sana’y mag-ingat na siya lalo’t ang dami-dami na niyang bashers.

Marunong namang umarte ang aktres pero hindi siya nabibigyan ng chance na magkaroon ng maraming projects dahil nga sa pagiging ‘Negastar’ niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending