Anong klaseng ama ka: 5 single dad na lumalaban para sa anak

By Bandera June 16,2019
share this

Anong klaseng ama ka: 5 single dad na lumalaban para sa anak

By Bandera June 16,2019
share this

KUNG mahirap maging ilaw ng tahanan para sa mga nanay, challenging din naman ang pagiging haligi ng tahanan para sa mga tatay.

Pero para sa mga single dad, ganu’n din kaya kahirap at ka-challenging ang magpalaki ng anak? Paano nga ba pinagsasabay ng ilang celebrity single dad ang kanilang mga responsibilidad bilang ama at bilang isang “ina” na rin?

Ngayong Father’s Day, palakpakan at saluduhan natin ang ilan sa mga kilalang single dad na patuloy na nakikipaglaban para sa kanilang mga anak.

PAOLO BALLESTEROS AT KEIRA CLAIRE

PAOLO BALLESTEROS
Nakabibilib ang pagiging daddy ng Eat Bulaga Dabarkads sa kanyang unica hija na si Keira Claire. Kahit super busy sa kanyang trabaho, talagang naglalaan siya ng quality time para maka-bonding ang anak.

Last month, proud na proud si Paolo kay Keira dahil nag-graduate ito with honors.
7 “Congrats anak! We’re so proud of you! tarush ng junakiz ko lavet!!! I love you anak!”

 

MARVIN AGUSTIN, SEBASTIAN AT SANTIAGO

MARVIN AGUSTIN
Kapuri-puri rin ang pagiging hands-on dad ni Marvin Agustin sa kanyang kambal na anak – sina Sebastian at Santiago na 13 years old na ngayon. Sa dami ng business ni Marvin at sa mga ginagawang projects sa GMA 7, he makes sure na hindi siya nagkukulang ng panahon sa mga anak.

“More than anything na gusto kong maging sila professionally, gusto ko sila, in their personal lives, maging masaya at mabuting tao.”

 

PIOLO PASCUAL AT IÑIGO PASCUAL

PIOLO PASCUAL
Kung may mag-ama sa showbiz na naging biktima ng matinding pamba-bash sa social media, ‘yan ay walang iba kundi sina Piolo Pascual at Iñigo Pascual. Pati ang pagtulog nila nang magkatabi at paghalik sa lips ng isa’t isa ay binigyan ng malisya.

Pero sabi nga ni PJ, wala silang pakialam sa sasabihin ng ibang tao at proud siya kay Iñigo dahil lumaki itong mabuting tao at marespeto sa kapwa. “We’re more open. I don’t hide anything from him. We sleep together and I make sure that I don’t deprive him of the right to be with me at any time. I’m here 24/7 for him. I just want to be there for him at any time in his life,” aniya sa isang panayam.

 

VHONG NAVARRO, FREDRIEK AT YCE

VHONG NAVARRO
Hindi nagkukulang ang It’s Showtime host sa dalawa niyang anak na sina Fredriek and Yce. Parang tropa-tropa lang ang turingan nila sa isa’t isa kaya naman very open ang dalawang binata sa kanilang ama pagdating sa lahat ng bagay.

Pagdating naman sa usaping love, ito raw ang payo sa kanila ni Vhong, “Okay lang magmahal nang sobra, pero huwag ‘yong sobra na sa point na wala ng pagmamahal para sa sarili mo. Kailangan mong magtira ng pagmamahal para sa sarili mo.”

 

PAULO AVELINO AT ETHAN AKIO

PAULO AVELINO
Kontrobersyal ang pagiging tatay ni Paulo sa anak nila ni LJ Reyes na si Ethan Akio. Pero sa kabila nito, positive pa rin ang Kapamilya star na magiging maayos ang relasyon nila ng anak. Sa isang emosyonal na panayam sinabi niyang, “I’ve always wanted to be a father first but maraming komplikasyon, maraming misunderstandings but I’ve always wanted to be a father first.”

Hindi raw siya naiinggit sa closeness ng anak sa karelasyon ngayon ni LJ na si Paolo Contis, “Alam naman ng bata na ako yung tatay niya. Kasi at the end of the day, gusto ko masaya lang si Aki, maging maayos lang siya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending