Miguel may sarili na ring business: Take the risk | Bandera

Miguel may sarili na ring business: Take the risk

Bandera |June 14,2019
facebook
share this

Miguel may sarili na ring business: Take the risk

Bandera - June 14, 2019 - 01:10 AM

MIGUEL TANFELIX, MIGO ADECER AT BIANCA UMALI

Sa murang edad, may sarili na ring food business ang Kapuso young actor na si Miguel Tanfelix.

Kahit busy sa taping ng kanyang primetime series na Sahaya at sa iba pa niyang project sa GMA, hands on pa rin ang binata sa kanyang negosyo.

Ayon kay Miguel, nag-decide siyang mag-invest sa milk tea business para hindi matengga ang kanyang savings. Pero siyempre, hindi basta-basta ang naging desisyon niyang magnegosyo, talagang pinag-isipan muna niya ito nang bonggang-bongga.

Sa panayam ng GMA, hinikayat ng ka-loveteam ni Bianca Umali sa seryeng Sahaya ang tulad niyang mga kabataan na hangga’t maaga ay mag-invest na sa negosyo pero dapat ay pag-aralan munang mabuti ang papasuking business.

“My only tip is take the risk kasi wala ka naman mapapala kung wala kang susubukan.

“Pero make sure that it’s a calculated risk kasi baka i-risk mo lahat, walang matira sa iyo. Dapat kalkulado mo lahat,” paliwanag ng binata.

Dugtong pa niya, “Ang natutunan ko lang, ‘yung business na itatayo mo dapat sobrang hilig mo kasi kung hindi, for sure, ‘you’ll burn out. Tsaka kailangan mo ng katulong na mas may alam sa business, kailangan mo ng advisor.”

Samantala, sa pagpapatuloy naman ng Sahaya sa GMA Telebabad, mas titindi pa ang tensiyon sa pagitan nina Ahmad (Miguel) at Jordan (Migo Adecer) dahil sa pagmamahal nila kay Sahaya (Bianca).

Matinding selos ang mararamdaman ni Ahmad dahil feeling niya, na-fall na si Sahaya kay Jordan at naetsapwera na siya sa puso ng dalaga. Patuloy na tutukan ang Sahaya gabi-gabi pagkatapos ng Kara Mia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending