Mo Twister ibinuking ang panloloko ng ex-dyowa; pinalabas na malandi, sinungaling
PINAKINGGAN namin ang podcast show ni Mo Twister at malaya niyang itsinika sa kanyang male caller ang naging karanasan niya sa kanyang ex-girlfriend. Talagang pinalabas na masama ni Mo ang kanyang former lover.
Sa una niyang kuwento, itsinika niyang inasahan niya ang tawag ng kanyang ex-girlfriend pero matagal siyang naghintay sa wala. The next day na siya tinawagan nito.
Ang chika ng ex-GF niya, dumating ang isang Brapanese (Brazilian-Japanese) model at nagpatulong sa kanya dahil nawala ang hotel keys nito. Nagpunta sa hotel room ang model para makitawag.
Ang katwiran naman ni Mo, mas madali namang dumiretso na lang sa management ng hotel o kaya sa reception para sabihing nawala ang hotel keys niya, hindi ‘yung pupunta pa siya sa kuwarto ng ex-GF niya para makitawag.
There was a time pa nga raw na naudlot ang dinner date ng ex-GF niya dahil tumawag daw ang gym instructor nito at nagpasama sa Subic resort. Naloka na lang siya dahil pinaghintay siya nang matagal at the next day na raw ito nagpaliwanag.
May isa pang instance na nabuking ni Mo ang ex-GF na may naiwang damit sa room ng isang handsome basketball player. Nakita at nabasa kasi niya ang text ng cager na pinapakuha sa ex-GF niya ang naiwan nitong damit sa kanyang kuwarto.
Ang reason naman ng ex-GF, nag-party sa bahay ang basketball player kaya naiwan niya ang kanyang damit.
q q q
Muling naungkat ang “don’t call me tita” stance ni Aling Cherie Gil nang mag-presscon ang isang reality-based artista search.
At siyempre pa, Vida Doria (bida-bida) ang primera contravida na si Aling Cherie who explained why she has that stance.
Going against the tide, she said na walang karapatan ang sinuman na tawagin siyang tita kung hindi naman niya ito pamangkin.
And what’s utterly funny ay mas gusto niyang magmano ang mga young stars sa kanya instead of doing the beso-beso thing. Parang out of line naman ito if we are to follow her don’t call me tita rule.
Bakit pagmamanuhin niya ang mga bagets, eh, hindi naman niya inaanak ang mga ito? Ni hindi nga niya kadugo ang mga ito tapos gusto niya magmano sa kanya? Doesn’t make sense, ha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.