Kalat na: ‘Rosang Agimat’ ng GMA hindi na itutuloy…habang coma pa si Manoy

By Cristy Fermin June 13,2019
share this

Kalat na: ‘Rosang Agimat’ ng GMA hindi na itutuloy…habang coma pa si Manoy

By Cristy Fermin June 13,2019
share this


TULAD ni Tito Eddie Garcia ay naaksidente rin habang nasa taping si Christopher de Leon. Pulbura naman ng baril na gamit ni Boyet sa taping ang naging dahilan ng kanyang pagkakaospital dahil sa impeksiyon.

Katwiran ni Manay Lolit Solis, “Matindi ang nangyari kay Boyet, pero nagdesisyon siyang huwag nang magdetalye pa tungkol sa nangyari. Naisip kasi namin, kapag humaba pa ang issue, e, napakaraming madadamay.

“Mga taga-production, ‘yung namamahala sa routine, ‘yung naka-assign sa mga armas na ginagamit sa taping, ang dami-dami!” paliwanag ni Manay Lolit.

Sinagot naman ng GMA 7 ang bill sa ospital, walang ginastos si Boyet, kaya maraming naniniwala na ang network din ang sasagot sa lahat ng gastos ngayon ni Tito Eddie.

Tulog pa rin ang beteranong aktor-direktor hanggang ngayon, “in deep sleep” ang terminong ginagamit ng kanyang mga doktor, mahigpit na binabantayan ng mga doktor ang kalagayan ni Tito Eddie.

Iniimbestigahan pa rin ng network kung bakit at paano kinailangang sa taxi pa isakay si Tito Eddie nang isugod sa ospital samantalang marami naman silang service kapag oras ng trabaho.

Ang tanong ngayon ay kung itutuloy pa ba ang seryeng Rosang Agimat ng GMA 7? Sa simula pa lang ay nagkaroon na ng problema, at hindi basta-basta aksidente ang naganap, kaya may kuwentong lumabas na hindi na muna ipagpapatuloy ang taping ng serye.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending