Vina in love uli: I like him much!

By Reggee Bonoan June 13,2019
share this

Vina in love uli: I like him much!

By Reggee Bonoan June 13,2019
share this

“LIKE him much! Ha-hahahaha!”

Iyan ang sagot ni Vina Morales sa amin nang magpadala kami ng mensahe sa kanya sa viber habang tinitipa namin ang balitang ito kahapon tungkol sa kanyang viral photos sa Instagram.

Sa mga litratong ipinost ni Vina makikita ang kasama niyang isang non-showibz guy na kuha sa Manhattan Beach sa California. May may mga kuha rin silang kasama ang kaanak ng lalaki.

Umabot na sa mahigit 14,000 likes at nakakuha na rin ng daan-daang comments ang kanyang IG photo kasama ang mystery guy kaya naging curious ang lahat kung sino nga ba ang bago niyang karelasyon.

Sa comments section ay inamin ng aktres na si Ruffa Gutierrez na siya ang nagreto sa dalawa. Aniya, “Girlll, I’m Cupid!!!”

Ang singer-actress namang si Zsa Zsa Padilla ay nag-post ng, “Uyyy!” na sinundan naman ni Erik Santos ng, “Iba!!!”

Tinanong namin si Vina kung saan naka-base ang lalaki at kung sila na nga ba pero hindi na niya sinagot. Ang tanging nasabi lang niya, “I’m on the plane.”

Hindi rin niya binanggit kung pabalik na siya sa Pilipinas o may pupuntahan pa siyang ibang lugar.

Anyway, sana nga’y natagpuan na ni Vina ang lalaking makakasama na niya sa habambuhay dahil naniniwala kami na deserve naman niya ang magkaroon ng “forever”. Ilang beses na rin kasing nabigo sa pag-ibig ang singer-actress kaya dasal nami’y sila na nga ng non-showbiz guy ang magkatuluyan.

Samantala, kasama si Vina sa Kapamilya teleserye na SanDugo na pagbibidahan nina Ejay Falcon at Aljur Abrenica mula sa Dreamscape Entertainment. Wala pang petsa kung kailan ang airing nito.

q q q

Ang daming nagtatanong sa amin kung totoong engaged na si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla sa kanyang beauty queen-girlfriend (Bb. Pilipinas 2016 first runner-up) na si Angelica Alita.

May lumabas kasing balita na nag-propose na si Jolo kay Angelica base na rin litratong ipinost ni Jolo sa kanyang Instagram account kung saan makikita silang kumakain ng ice cream na may caption na, “Ang tamis naman…ang lagkit pa ng tingin!” Kuha ito noong nasa Bacio de Latte, Santa Monica Blvd sa Los Angeles, California, USA.

Nang makita namin ang manager ni Jolo na si Nay Lolit Solis sa online show nitong “Take It Per Minute” nitong Martes kung saan naging guest nila si Sylvia Sanchez ay tinanong namin kung engaged na nga ba ng aktor-politiko.

“Actually, hindi nagsasalita si Jolo, walang sinasabi, e, baka (engaged na),” kaswal na sagot niya sa amin.
Sabagay base rin sa kuwentuhan namin noon ni VG Jolo noong sila pa ng aktres na si Jodi Sta. Maria ay gusto na talaga niyang mag-asawa pero hindi pa puwede kasi nga hindi pa annulled ang kasal ng aktres kay Pampi Lacson.

Hanggang sa umabot na ng ilang taon ang relasyon nina Jolo at Jodi na nauwi rin sa wala. Pakiwari namin ay napagod na sigurong maghintay ang politiko kaya naghanap na ng iba.

Bakit nga ba ang tagal mapawalang-bisa ng kasal nina Jodi at Pampi, e, open book namang may kanya-kanya na silang karelasyon at sa katunayan ay may anak na ang huli sa aktres na si Iwa Moto at nagsasama na sila.

May nagsabi sa amin na kalalabas lang ng annulment papers nina Jodi at Pampi, “Baka hindi naasikaso o baka isa sa kanila hindi nakikipag-cooperate. Isa ‘yan sa dahilan, kailangan talaga both parties nag-aasikaso.”

Hmmm, imposibleng hindi inaasikaso nina Jodi at Pampi ang annulment nila dahil sigurado naman kami na gusto na rin nilang makawala na sa isa’t isa.

Going back to Jolo, hihintayin na lang namin ang kanyang official announcement tungkol sa engagement nila ni Angelica.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending