Kontrobersyal na male personality ‘hinubaran’ ng mga kalaban

By Cristy Fermin June 12,2019
share this

Kontrobersyal na male personality ‘hinubaran’ ng mga kalaban

By Cristy Fermin June 12,2019
share this

KUNG sumusubo sa sobrang dami ang mga grupong galit na galit sa isang kilalang male personality ay napakarami ring naapektuhan sa naganap sa kanyang career.

Wala nang trabaho ngayon ang lalaking personalidad, binaklasan na siya ng trabaho, maging ang kanyang mga kasama sa araw-araw ay wala na rin sa kanyang paligid ngayon.

Kuwento ng aming source, “Nakakaawa naman si male personality, talagang tinanggal sa kanya ang lahat-lahat ng meron siya! Hinubaran talaga siya!

“Nakakapanibago dahil dati, ang dami-dami niyang kasama, bago mo siya makita, e, kailangan mo munang hawiin ang mga nakapaikot sa kanya. Pero ngayon, tinanggal na ‘yun sa kanya.

“Talagang pinarusahan siya nang todo! Pinilay talaga siya ng mga kalaban niya, hindi na siya tinirhan ng kahit ano!” napapailing at namamanghang chika ng aming source.

Maraming apektado sa naganap sa male personality. Ang kanyang staff, ang kanyang make-up artist, ang kanyang mga PA na tulad niya ay wala ring trabaho ngayon.

Patuloy ng aming impormante, “Napaka-generous pa naman ng male personality na ‘yun, mabait siya sa mga tauhan niya, maluwag din ang bulsa niya sa mga tauhan niyang nangangailangan.

“Kapag problemado ang mga tao niya, e, hindi na nila kailangan pang lumapit sa ibang tao, kapag nalaman kasi ‘yun ng male personality, siya na mismo ang nagbibigay ng kailangan ng staff niya.

“Kaya sa nangyaring ito sa bossing nila, e, napakaraming apektado talaga. Hindi nila alam kung kanino sila lalapit kapag kinakapos sila. Wala kasing kahirap-hirap lapitan ang male personality na ‘yun, e!

“Puwedeng sobrang tapang niyang magsalita, marami siyang nasasagasaan at nasa-saktan, pero mismong mga staff niya ang makapagpapatunay kung gaano kalambot ang puso niya sa mga nangangailangan ng tulong.

“Malungkot ang lahat ng mga nasasakupan niya, sana raw naman, e, matapos na ang indultong kinasasangkutan ng boss nila. Nakakalungkot,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, di ba naman?

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending