‘Hindi gagamitin ni Kris ang kanyang sakit para lang magpapansin’ | Bandera

‘Hindi gagamitin ni Kris ang kanyang sakit para lang magpapansin’

Cristy Fermin - June 12, 2019 - 12:40 AM

KRIS AQUINO

Ang nagsasalita ay isang inang sobra-sobrang nagmamahal sa kanyang mga anak. Ang nagtatawid ng mensahe ay isang taong gustung-gusto nang maiayos ang kundisyon ng kanyang kalusugan para maging normal na ang takbo ng kanyang buhay.

Miss na miss na niya kasi ang mga dati niyang ginagawa na walang mga bawal. Gustung-gusto na rin niyang mamasyal sa iba’t ibang bahagi ng mundo pero may mga kailangan siyang iwasan para hindi lumala ang kanyang sakit.

Sa isang banda ay napakahirap ng sitwasyon ngayon ni Kris Aquino. Milyonarya siya, sa isang kumpas lang ng kanyang daliri ay masusustinihan niya na ang lahat ng mga kailangan para sa kanyang sakit na iilan lang sa isang milyon ang tinatamaan, pero mailap sa kanya ang paggaling.

Hindi naman kasi ibinebenta sa mga mall maging sa palengke ang agarang lunas sa kanyang sakit. Milyunan na ang kanyang ginagastos pero sa bahagyang ihip lang ng hangin ay umaariba na agad ang kanyang allergy.

Maraming hindi naniniwalang maysakit nga si Kris Aquino. Ginagawa-gawa lang daw niya ang ganyan para makakopo siya ng atensiyon ng publiko.

Pero siguro naman ay kalabisan nang gamitin pa ni Kris ang kundisyon ng kanyang pisikal na katawan para lang siya mapansin. Hindi niya ‘yun gagawin para lang siya mapag-usapan.

Sana, kahit sa pinakahuling pagkakataon, ay bigyan naman ng pagtitiwala si Kris Aquino ng mga hindi naniniwalang maysakit siya.

Maysakit siya, gustung-gusto na niyang gumaling para sa kanyang mga anak na sina Josh at Bimby, siguro naman ay hindi mahirap ibigay ‘yun sa kanya ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending