Ex-Beauty Queen pinuri si Daniel pero inokray si James; Jadine fans nagwala sa galit

By Bandera June 12,2019
share this

Ex-Beauty Queen pinuri si Daniel pero inokray si James; Jadine fans nagwala sa galit

By Bandera June 12,2019
share this

DANIEL PADILLA, JAMES REID AT PATTY BETITA

KINUYOG ng JaDine fans ang dating beauty queen-model na si Patty Betita matapos nitong purihin nang bonggang-bongga si Daniel Padilla at okrayin si James Reid.

Nag-post kasi si Patty sa Instagram ng isang litrato kung saan kasama niya si Daniel at dalawa pang former beauty queen.

Kuha ito sa ginanap na grand coronation ng Binibining Pilipinas 2019 last Sunday sa Araneta Coliseum. Kabilang sina DJ at James sa mga umupong judges para sa nasabing pageant habang naroon naman si Patty at iba pang dating beauty queens para sumuporta sa mga Binibining Pilipinas candidates.

At kahit naka-private ang Instagram account ni Patty, nagawa pa ring ma-save at ma-screenshot ng galit na galit na JaDine fans ang post ng Bb. Pilipinas-International 1991. Ni-repost nila ito sa social media at walang patumanggang binanatan si Patty.

Sa isang photo, sinabi ni Patty na happy siya dahil finally ay nakapagpa-picture siya kay Daniel. Dugtong pa niya, “Btw… Daniel Padilla is much nicer and more accomodating than James Reid #fortherecord.”

Bukod dito, sa isa pang screenshot na ipinost ng JaDine fans, makikita ang naging comment ni Patty sa sinabi ng isa niyang follower sa Instagram na sana raw ay magkaroon din siya ng picture kasama sina James at Nadine. Reply ng former beauty queen, “Hindi siya friendly!” na ang tinutukoy nga ay si James.

Na-shock na lang si Patty nang bumulaga sa kanya ang sandamakmak na hate message ng fans ni James. Talagang bugbog-sarado siya sa JaDine fans na galit na galit sa pangnenega niya sa kanilang idol.

Agad namang nag-sorry si Patty sa pamamagitan ng Twitter, “I didn’t realize the Gravity of what I thought was just my opinion .. obviously made so many #Jadine fans seething with anger attacking me.

“Ok, I sincerely apologise if I hurt your feelings. I judged an innocent guy and made a careless comment,” aniya pa.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending