Gazini naghahanda na para sa 2019 Miss U, sasabak sa matinding training

By Bandera June 12,2019
share this

Gazini naghahanda na para sa 2019 Miss U, sasabak sa matinding training

By Bandera June 12,2019
share this

GAZINI GANADOS

Ngayon pa lang ay maghahanda na si Gazini Ganados para sa pagrampa niya sa 2019 Miss Universe na gaganapin sa darating na Disyembre.

Si Gazini ang kinoronahang Miss Universe Philippines sa katatapos lang na grand coronation night ng Binibining Pilipinas 2019 at alam niya na malaking responsibilidad ang maging successor ni reigning Miss Universe Catriona Gray.

Sa isang panayam, sinabi ng dalaga na kakaririn niya ang preparasyon bilang representative ng bansa sa susunod na Miss Universe pageant.

“We’ve been training. Maybe we will create a walk that would best suit us,” pahayag ni Gazini. Aniya pa, bukod sa pasabog na signature walk, tututukan din niya ang mas matinding paghahanda para sa Question and Answer portion.

“And we will work on the physical appearance and the Q&A, of course. It is very important to be well informed about the things happening around,” sey pa ng beauty queen.

Ano naman ang masasabi niya na naging advantage raw ang kanyang Latina looks sa kanyang pagkapanalo? “I’ll take that as a compliment but it’s not just usually the outlook or your physical appearance, it’s usually what your heart says.”

Sa tanong kung ano ang ibinigay na advice sa kanya ni Catriona, “She just encouraged me that this will be the start, this will be a new beginning. I appreciate it.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending