Vice umamin na: Happy ang buhay namin ni Ion, at yan ang totoo! | Bandera

Vice umamin na: Happy ang buhay namin ni Ion, at yan ang totoo!

|June 10,2019
facebook
share this

Vice umamin na: Happy ang buhay namin ni Ion, at yan ang totoo!

- June 10, 2019 - 12:05 AM

HINDI man diretsong aminin ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa madlang pipol, very obvious na sila na nga ni Ion Perez.

Sa huling panayam ng media sa TV host-comedian, reading between the lines talagang espesyal ang pagtitinginan ng dalawa at hindi na kailangan pang ipagsigawan na magdyowa na sila.

“Happy naman ang mga buhay namin ni Ion, that’s the real score. Ion and I are both happy,” ang makahulugang pahayag ni Vice. Nag-start ma-link sina Vice at Kuya Escort sa Showtime last year na nagsimula lang sa tuksuhan.

Sa isang episode ng Gandang Gabi, Vice noong Marso, inamin ni Ion na espesyal si Vice sa kanya habang sa birthday clelbration naman ng TV host-comedian sa Showtime nito lang ding Marso, ang birthday wish niya ay suportahan siya ng madlang pipol sa kanyang lovelife.

Mas tumibay pa ang balitang may relasyon na ang dalawa sa mga sweet photos na ipinost nila sa Instagram na kuha noong namasyal sila sa Canada kasama pa ang nanay ni Vice na balitang botong-boto rin kay Ion para sa kanyang anak.

Samantala, ayaw nang patulan ni Vice ang mga bashers nila sa Idol Philippines, lalo na ang kumukuwestiyon sa kredibilidad nila nina Moira dela Torre at James Reid bilang mga judge ng show.

“Wala (akong reaks-yon)! E, mga basher nga ‘yan, bakit ako mag-i-explain sa kanila? Kahit anong explain mo, yung mga taong ayaw sa ‘yo, kahit anong explain mo, hindi sila makikinig.

“Pero yung mga taong mahal ka, kahit hindi ka mag-explain, mauunawaan ka. Lahat naman ng tao may masasabi sa isa’t isa. That’s life. Accepted ko na yun,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending