Awra Briguela tinawag na ‘salot sa lipunan’ ng Blackpink fans: Sana mapatawad n’yo ko
“SANA mapatawad niyo ako at sana kalimutan na natin ang nangyari!”
Yan ang pakiusap ng Kapamilya teen star na si Awra Briguela sa mga galit na galit na fans ng K-Pop group na BlackPink dahil sa pang-ookray niya sa member ng grupo na si Jennie.
Nagpunta sa bansa ang South Korean group para sa kanilang fan meet at ayon sa ilang supporters ng grupo, ginawang katatawanan ni Awra at ng mga kaibigan niyang sina AC Bonifacio at Riva Quenery si Jennie na masama ang pakiramdam nu’ng humarap sila sa kanilang Pinoy fans.
Ayon kay @yerimiesee_, “Awra briguela is so toxic they made a joke about jennie’s panic attacks then called blinks as ‘mababaw’ and ‘sensitive’ when blinks got mad. Lol, it’s such a shame that these people were the ones who got the chance to see blackpink #SHOPEESCAM.”
Narito naman ang buong paliwanag ni Awra sa nangyari na kanyang ipinost sa Instagram, “Gusto ko lang din po sana klaurihin ang lahat. Eto po talaga ang katotohanan. Mahina ako sa english, karamihan ng tao alam ‘yan. Nung binasa ko ‘yung comment sa live ni AC na ‘What can you say about other blinks na hindi nakapunta?’
“Dun palang natatawa na kami kasi may english ‘yung tanong hindi dahil may mga hindi nakapunta. Hindi ko intensyon na namakasakit sa mga hindi nakapasok sa event.
“Nung binasa ko ‘yun, walang masagot si Ate Riva & AC kasi mainit pa yung issue tungkol sa Shopee. Ako naman, basa lang ng basa hanggang sa di ko namalayan, awkward na pala ‘yung tanong na nabasa ko. Eh kailangan ang sagot ko english, ang pinakamadaling English lang na alam ko ay ‘We love you guys.’ Hindi ‘yung pang aasar, sadyang mahina lang talaga ako sa English at ‘yun na ‘yung unang pumasok sa isip ko,” paliwanag niya.
“Pangalawa, hindi ko intensyon na i-disrespect si Jennie kasi alam ko ‘yung pakiramdam nang i-direspect. Aware po ako/kami na may sakit siya kaya bakit naman po kami magbibiro about sa sakit niya.
“Nung time na ‘yun, nalito din ako sa pagkakaiba ng ‘sick’ na may sakit at ‘sick’ na parang astig. Tumawa kami dahil sa pageenglish kong mali-mali, hindi dahil sa sakit ni Jennie.
“Pangatlo, napanood ko ‘yung vlog ni Ate Riva. Sobrang nakarelate ako sa part na walang support system. Kasi guys sa totoo lang, wala akong support system na katulad kay Ate Riva.
“Wala akong mapagsabihang pamilya at isa lang naman akong batang madami pang matutunan. Hindi po ako nagpapaawa sa inyo pero sana ‘wag naman dumating sa point na buong pagkatao ko huhusgahan niyo na dahil sa namisinterpret ako.
“Alam kong nagkamali ako at alam kong tatanga tanga din ako pero alam kong hindi sapat ‘yung pagkakamaling nagawa ko para sabihan niyo akong masama o pangarapin niyo na sana nawala na lang ako sa mundong ito.
“Hindi sapat ‘yung pagkakamaling nagawa ko para sabihan nyoko ng salot sa lipunan kasi kahit kailan wala akong ginawang ikaka apekto ng lipunan na ito. At higit sa lahat, hindi sapat ‘yung pagkakamaling nagawa ko para i-judge niyo ‘yung buong pagkatao ko,” litanya pa ni Awra.
Pagpapatuloy pa ng Kapamilya teen star, “Aminado akong mali na sinabi kong “sensitive niyo naman” at “parang ‘yun lang” pasensya na kung walanag preno ‘yung mga salita ko. Mali na minaliit ko ‘yung problema niyo.
“Sana mapatawad niyo ako at sana kalimutan na nating ang mga nangyari. Alam kong ang sakit na may galit sa puso kaya sana tanggalin na natin ‘yan galit na ‘yan. Uulitin ko sorry ulit sa inyong lahat. God bless.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.