True ba, KC kinumkumbinsi ni Gabby ba lumipat sa GMA? | Bandera

True ba, KC kinumkumbinsi ni Gabby ba lumipat sa GMA?

Jun Nardo |June 09,2019
facebook
share this

True ba, KC kinumkumbinsi ni Gabby ba lumipat sa GMA?

Jun Nardo - June 09, 2019 - 04:37 AM

NAKAKALULA sa ganda at mahal ang isa sa alahas na ibinigay kay KC Concepcion ng Lola Elaine Cuneta niya bago ito namatay.

Ibinalandra ni KC sa kanyang Instagram account ang hindi lang isang singsing kungdi apat, huh!

Ang kakaiba sa mga singsing, naka-spell out ang pangalan niyang “Kristina” sa apat na daliri!

“Solid gold ring with sparkling diamonds that spell out my first name,”  deskripsyon ni KC sa mga singsing.

Pero hindi ang kamahalan ng singsing ang rason kung bakit ipinost ito ni KC sa social media, “Somehow when I wear her jewelry, she’s like with me! It’s in these little moments that I feel she still encourages me, and guides the work of my hands to this day.”

Maraming fans ng anak ni Megastar ang nagtatanong kung kailan ba uli siya mapapanood sa TV.

Ilang taon na rin kasing walang project ang dalaga at matagal na rin ang huli niyang hosting job sa telebisyon.

May kumalat namang chika na kino-convince raw si KC ng kanyang tatay na si Gabby Concepcion na i-try sa GMA 7 kung saan ito napapanoon ngayon (Love You Two series). Pero wala pa naman itong confirmation. But if this is true, walang masama dahil matagal na ngang walang ginagawa si KC at siguradong maraming matutuwa sakaling gumawa ng teleserye together ang mag-ama sa GMA.

Malay natin, this year, may sorpresa pala si KC sa lahat ng kanyang fans. Wait na lang tayo.

q q q

 

Makikipagkulitan sina Rocco Nacino, Rodjun Cruz at Kristoffer Martin kina Boobay at Tekla ngayong gabi sa The Boobay and Tekla Show (TBATS).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Guests  sila sa segment na “Feeling The Blank” para sagutin ang nakakakiliting tanong.

Si Ruru Madrid na guest din ay paglalaruan ang dalawang aspiring actors sa “Pranking in Tandem.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending