Wil Dasovich niregaluhan ng HK Disneyland trip ang kasambahay
NAPAKASWERTE ng kasambahay ng sikat na vloger at YouTuber na si Wil Dasovich matapos nitong matanggap ang hindi inaasahang regalo mula sa kanyang amo.
Tinupad lang naman ni Wil ang matagal nang pangarap ni Lesley na maka-travel sa labas ng Pilipinas. Niregaluhan nito ang kanyang kasambahay ng trip to Hong Kong Disneyland.
Sa kanyang latest vlog entry, ibinahagi ng boyfriend ng sikat na cosplayer na si Alodia Gosiengfiao ang matinding excitement na naramdaman ni Lesley sa pagtungo nila sa Disneyland.
“For the last 2 months I have been getting her documentation, doing her DFA (Department of Foreign Affairs). Finally got her passport a couple of days ago and she’s ready to fly. Di pa siya nakapunta sa eroplano kasi isa siya sa mga Mangyan, isa sa natives sa bundok ng Mindoro,” pahayag ni Wil sa kanyang YouTube video.
Ito raw ang unang pagkakataon na makakabiyahe sa labas ng bansa ang kanilang kasama sa bahay kaya ramdam na ramdam niya ang magkahalong saya at kaba nito.
“Isa sa mga magagandang katangian ng buhay is experiencing things for the first time and today is all about the first time experience. She is gonna be on an airplane.
“She was nervous and excited all day. Ito na po ang beginning of ‘Yaya Appreciation Day’ as we should give thanks to those who take care of us!” aniya pa.
Inikot ni Lesley ang Disneyland at na-try sa iba’t ibang rides. Nag-stay din sila sa soyaling Disneyland Hotel.
Umani ng papuri at magagandang comments si Wil mula sa mga netizens. Sana raw lahat ng mga employer o amo ay tulad niya na hindi kasambahay ang turing sa kanilang mga maid kundi tunay na kapamilya na rin.
q q q
Ikinatuwa ng Kapuso viewers ang muling pagkikita nina Ahmad (Miguel Tanfelix) at Sahaya (Bianca Umali) sa GMA primetime series na Sahaya.
Matagal nilang hinintay ang reunion ng dalawa kaya bumuhos ang pagmamahal ng kanilang fans online sa naturang episode. Nag-trending ang #SahMadMoment, patunay na hindi pinalampas at na-miss ng fans ang dalawang Kapuso stars.
Bukod dito, lalong dumarami ang nahu-hook sa Sahaya dahil inspirational ang kwento nito. Ayon kay @camp_daniell19, “Sahaya is a masterpiece. A work of art. And it feels good to watch this kind of teleserye every weekdays.”
Dagdag naman ni @cellieriverie, “I like that the story just revolves around the two families. Galing ng nag-isip ng kwento.”
Samantala, lalong nagiging intense ang mga kaganapan sa buhay ni Sahaya dahil marami pang mabubunyag tungkol sa kaniyang tunay na pagkatao! Aaminin na ba ni Harold (Zoren Legaspi) kay Sahaya na siya ang ama nito? Lalo bang titindi ang inggit ni Lindsay (Ashley Ortega) kay Sahaya?
Tutok na sa Sahaya gabi-gabi pagkatapos ng Kara Mia sa GMA Telebabad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.