Heart ipapa-X-ray ang kamay: It’s still painful | Bandera

Heart ipapa-X-ray ang kamay: It’s still painful

Ervin Santiago |June 09,2019
facebook
share this

Heart ipapa-X-ray ang kamay: It’s still painful

Ervin Santiago - June 09, 2019 - 12:21 AM

 

HEART EVANGELISTA

Planong ipa-X-ray ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang kanyang kamay.

Ito’y matapos ngang mapuruhan ang kanyang kaliwa’t kanang kamay sa mga action scenes na ginawa niya para sa isang international movie na kinunan sa China.

Sa panayam ng GMA, ilang araw na ang nakalilipas makaraan ang pagsu-shooting niya sa China pero masakit pa rin ang kanyang kamay, “It’s still painful, I have to get an X-ray actually. Kasi ‘di ko ma-ponytail ‘yung hair ko and hindi ako maka-open ng bottle.

“So feeling ko may something. I just have to discover what it is kasi natatakot akong magpa-check,” aniya sa nasabing interview.

Kung matatandaan, nag-post last week ang misis ni Chiz Escudero sa kanyang Instagram account ng ilang litrato kung saan makikita ang puro sugat niyang kamay na nakuha nga niya sa paggawa ng stunts sa  Hollywood movie.

Sa nakaraang pahayag ni Heart, sinabi niya na bahagi lamang ng kanyang trabaho ang sakit ng katawan dahil nga action movie ito at ito raw ay, “once-in-a-lifetime role for a Hollywood action movie.”

“Kasi nag-look forward lang ako ‘dun sa red carpet sa Hollywood, ‘di ko masyadong naisip ‘yung movie. Akala ko mawawala talaga ‘yung pain pero hindi siya nawala. Di kasi siya nakakaganda at ‘di ko bet.”

“Pero at least tapos na ‘yung first movie and then I’ll go back to China soon for the second one, which I believe will be more stressful,” ang sey pa ni Heart bago siya magtungo sa China last month para sa mga huli niyang eksena.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending