Tambalang ShaiVid pa-yummy, pakilig sa 'Because I Love You' | Bandera

Tambalang ShaiVid pa-yummy, pakilig sa ‘Because I Love You’

Bandera |June 08,2019
facebook
share this

Tambalang ShaiVid pa-yummy, pakilig sa ‘Because I Love You’

Bandera - June 08, 2019 - 12:55 AM

DAVID LICAUCO AT SHAIRA DIAZ

KUNG may isang Kapuso actor ngayon na fresh na fresh at talagang pinagpapantasyahan ng mga beki – yan ay walang iba kundi si David Licauco.

Isa si David sa mga pambatong hunk actor ngayon ng GMA 7, lumelebel na siya ngayon kina Derrick Monasterio at Jak Roberto na palaban din pagdating sa pagpapa-yummy! Kaya naman patuloy na dumarami ang kanyang fans, girls and gays alike.

Yan ang dahilan kung bakit si David ang napili ng ALV Films para bumida sa latest movie nilang “Because I Love You” opposite Kapuso actress Shaira Diaz. Naniniwala ang producer ng pelikula na si Arnold Vegafria na malakas ang tambalang ShaiVid na unang napanood sa isang episode ng Magpakailanman (Nakawin Natin Ang Bawat Sandali).

Sey ni ALV gusto niyang bigyan ng chance sina Shaira at David na mag-shine sa movies kaya sinugalan niya ang mga ito sa isang pelikulang siguradong magugustuhan ng manonood, lalo na ng mga kabataan ngayon dahil sa “millennial twist” ng kuwento.

Sabi nga ng direktor ng “Because I Love You” na si Joel Lamangan, siniguro niya na lahat ng members ng family ay makaka-relate sa kuwento at kahit nga tungkol na naman ito sa isang rich boy meets simple and not so rich girl, may ginawa silang twists and turns sa story, lalo na ang pagiging “bumbera” o firefighter ng karakter ni Shaira.

At siyempre, dahil nga pareho namang palaban sina David at Shaira sa pagpapaseksi, binigyan sila ni Direk Joel ng mga eksena sa swimming pool na siguradong ipaglalaway ng kanilang mga fans.

Makakasama rin sa movie sina Michelle Dee, Martin del Rosario, Samantha Lopez at marami pang iba. Showing na ito sa June 12, Independence Day and it’s a holiday kaya kung gusto n’yong mag-enjoy lang at ma-in love watch na kayo ng “Because I Love You.”

Samantala, after ng presscon ng pelikula kamakailan ay nakausap ng ilang members ng entertainment media si David at dito nga naitanong sa hunk actor pagiging biktima rin niya ng mga fake news.

Ang latest nga ay ang tsismis na “nag-threesome” umano sila nina Enzo Pineda at Teejay Marquez sa isang out-of-town shooting nila para sa pelikulang “G!Lu”.

Lumabas ito sa isang Facebook page sa pamamagitan ng isang blind item pero may litrato naman ng tatlong aktor. Nang mabasa ito ni David talagang sumagot siya at mariing idinenay ang chika.

Sey ni David, “Lol! We haven’t even started shooting the movie yet. Dude, you’re so good at making up stories. Pwede ka na mag-director!!!”

Sa presscon ay ito naman ang paliwanag ni David, “Ayoko nang maglagay ng negativity sa buhay ko.

“So, kumbaga, kung gusto nila akong siraan, gusto nila akong magkaroon ng content na ganoon, nasa kanila na yun. Basta as long as alam ko sa sarili ko na I’m not like that, I’m not capable of doing that, I was raised well by my family,” aniya pa.

Tungkol naman sa mga indecent proposals, umamin naman ang binata, “Actually, when I was starting out pa lang in showbiz, when I was modelling, when I was, like, new to the gay world, may mga ganoon for sure.”

“Parang madalas silang (mga beki) nagme-message. Feel nila siguro makukuha nila ako. Pero right now, I’m old enough na. Nahihiya naman siguro sila sa akin.

“Kilala na nila kung paano ako as a person. I am okay, my family is comfortable so hindi ko na kailangan,” sey pa ng hunk actor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

E, yung tungkol sa pagli-link sa kanya noon sa Unkabogable Star na si Vice Ganda? “Wala na yun.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending