After 21 years...Jeremiah naging emosyonal sa reunion concert | Bandera

After 21 years…Jeremiah naging emosyonal sa reunion concert

Cristy Fermin |June 08,2019
facebook
share this

After 21 years…Jeremiah naging emosyonal sa reunion concert

Cristy Fermin - June 08, 2019 - 12:40 AM

JEREMIAH

Naglaan talaga kami nang sapat na panahon para panoorin ang reunion concert ng grupong nagpasikat ng piyesang “Nanghihinayang,” ang Jeremiah, na binubuo nila Olan, Pewee, Froi at Simon Soler.

Nasubaybayan namin ang paglaki ng kanilang pangalan sa mundo ng musika, ang napakaganda nilang samahan, hanggang sa nagkani-kanya na sila ng prayoridad sa buhay.

Reunion concert ang ginanap sa Zirkoh-Tomas Morato nu’ng isang gabi, pagkatapos nang dalawampu’t isang taon ay muling pumagitna sa entablado ang hindi lang basta magkakasama sa grupo kundi magkakaibigan, maganda ang kanilang pagtatanghal.

Sina Pewee at Froi na lang ang nandito, si Simon Soler ay isang matagumpay nang tagapamahala ng isang ospital sa Anaheim, California at si Olan naman ay may maganda nang trabaho sa Chicago, pero hindi napuputol ang kanilang komunikasyon.

Walang ipinagbago ang kanilang boses, napuno nila ang venue, hanggang sa pinakahuli nilang kanta ay hindi numipis ang kanilang audience.

Naging emosyonal ang Jeremiah pagkatapos nilang kantahin ang “Nanghihinayang” na hanggang ngayo’y bumibidang piyesa sa videoke, nagyakapan sila, ramdam ng manonood ang sinseridad ng kanilang pagmamahalan bilang magkakaibigan at magkakagrupo.

Pabalik na rin sa Amerika sina Olan at Simon, umuwi lang sila para sa reunion concert ng kanilang grupo, wala pa ring kakupas-kupas ang Jeremiah.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending