Kilalang hunk male celeb may 'sumpa' sa lovelife, palagi na lang sawi sa pag-ibig | Bandera

Kilalang hunk male celeb may ‘sumpa’ sa lovelife, palagi na lang sawi sa pag-ibig

Cristy Fermin |June 08,2019
facebook
share this

Kilalang hunk male celeb may ‘sumpa’ sa lovelife, palagi na lang sawi sa pag-ibig

Cristy Fermin - June 08, 2019 - 12:35 AM

MAHUSAY humawak ng relasyon ang isang male personality. Hindi siya kilala sa pagsasabay ng dalawang babae sa kanyang buhay.

Matagal siyang makipagrelasyon, bumibilang ‘yun nang mahabang panahon, pero may tanong ang mga sumusubaybay sa kanyang lovelife.

Bakit daw ba ganu’n? Maraming taon na silang magkarelasyon ng babae, artista man o hindi, pero sa bandang dulo ay sa hiwalayan pa rin ‘yun nauuwi?

Kuwento ng aming source, “Ganu’n kasi palagi ang nangyayari sa pakikipagrelasyon niya, e. Matagal silang napakasaya, parang walang room ang lungkot sa samahan nila, pero kung kailan inaasahan ng marami na sa kasalan na ‘yun mauuwi, e, saka naman sila nagkakahiwalay!

“Ano nga ba ang problema sa male personality na ‘yun at nagkakaganu’n ang lovelife niya? Ang tagal-tagal nilang magkarelasyon, kilalang-kilala na nila ang bawat isa, pero parang hindi pa rin pala dahil nagkakahiwalay pa rin sila ng girlfriend niya?” tanong-opinyong chika ng aming impormante.

Parang perpekto na ang kabuuang paglalarawan sa kilalang male personality. Guwapo siya at may ipinagmamalaking bulto ng katawan, galing siya sa buena familia, maraming nagpapatunay na mabait siyang karelasyon.

“‘Yung dati nilang relasyon ng isang kilalang female personality na umabot din nang matagal na panahon, ang akala nu’n ng mga kaibigan nila, e, sa kasalan na ‘yun mauuwi, di ba?

“Ang saya-saya nila, very supportive sila sa isa’t isa, wala silang hindi pinagkakasunduan kung titingnan mo lang sila. Ang ganda-ganda talaga ng takbo ng relasyon nila. Pero one day, pumutok na lang ang kuwento na tapos na sila.

“Maraming nanghihinayang dahil kung kailan naman bumilang na sila nang ilang taon bilang magkarelasyon, e, saka pa sila nagkahiwalay. Kanino isisisi ang nangyari sa kanila?

“May mga friends kasi ang girl na nagsasabing mas mahal daw ng male personality ang career niya. Mas binibigyan niya ng oras ang mga pangarap niya.

“Hindi lang naman kasi artista ang guy, may mga ibang activities din siyang pinagkakaabalahan, busy rin siya palagi sa mga bagay na ‘yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siguro nga, e, ang sobrang importansiya na ibinibigay ng male personality sa mga dreams niya ang reason. Sayang, ang husay pa naman niyang humawak ng relasyon dahil bumibilang talaga ‘yun nang maraming taon,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, pakitalasan ang pakiramdam n’yo, katunog ng name ng male personality ang palaging sumisigaw ng cut at action!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending