Probinsyano, General’s Daughter, Idol PH, MMK, hindi mapatumba; ABS-CBN naghahari pa rin sa ratings game | Bandera

Probinsyano, General’s Daughter, Idol PH, MMK, hindi mapatumba; ABS-CBN naghahari pa rin sa ratings game

Bandera |June 08,2019
facebook
share this

Probinsyano, General’s Daughter, Idol PH, MMK, hindi mapatumba; ABS-CBN naghahari pa rin sa ratings game

Bandera - June 08, 2019 - 12:20 AM

ANGEL LOCSIN AT COCO MARTIN

ABS-CBN pa rin ang mas tinutukan ng mga viewers nitong nagdaang Mayo upang makakuha ng mga makabuluhang balita at mga kwentong puno ng aral matapos makapagtala ng average audience share na 44%, ayon sa Kantar Media.

Kitang-kita ang pamamayagpag ng Kapamilya Network sa buong bansa sa mga programa nitong patuloy na pinapanood ng mga Pinoy sa pangunguna pa rin ng FPJ’s Ang Probinsyano (37%) ng Teleserye King na si Coco Martin na sinundan ng The General’s Daughter (31.2%) ni Angel Locsin.

Nanguna rin bilang most watched weekend show nationwide ang Search for the Idol Philippines (28.8%), habang ang TV Patrol (27.3%) ang mas sinubaybayan noong nakaraang buwan dahil sa Halalan 2019 coverage nito.

Pasok pa rin sa top 10 ang Maalaala Mo Kaya (25.6%) ni Charo Santos, Kadenang Ginto (25.3%), Hiwaga ng Kambat (23.1%) nina Maymay Entrata at Edward Barber, at Home Sweetie Home: Extra Sweet (22.7%).

Samantala, ABS-CBN din ang nanguna sa lahat ng time blocks, partikular na sa primetime block kung saan nagkamit ito ng average audience share na 47%.

Ang primetime block ang pinakaimportanteng parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pilipino ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng advertisers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers.

Nanguna rin ang Kapamilya network sa morning block (6 a.m. to 12 noon) sa pagtala nito ng 34%; sa noontime block (12 noon to 3 p.m.) sa pagrehistro nito ng 43%; at sa afternoon block (3 p.m. to 6 p.m.) sa pagkamit nito ng 50%.

Mas pinanood din sa parehong urban at rural homes ang ABS-CBN, partikular na sa Metro Manila na average audience share na 42%, at sa Mega Manila na nakakuha ng 36%. Nanguna rin ang ABS sa Total Luzon (39%), sa Total Visayas (53%) at sa Total Mindanao (51%).

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending