Pagdawit ni Mon Tulfo kay Andanar sa P60M DOT-PTV deal iniimbestigahan na ni Duterte | Bandera

Pagdawit ni Mon Tulfo kay Andanar sa P60M DOT-PTV deal iniimbestigahan na ni Duterte

- June 04, 2019 - 03:47 PM

SINABI ng Palasyo na pinaiimbestigahan na si Pangulong Duterte ang alegasyon ni Ramon Tulfo laban kay Communications Secretary Martin Andanar matapos naman niyang sabihin na ang huli ang nasa likod ng P60 milyong DOT-PTV deal.

Sa isang briefing, idinagdag ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na inaasahan namang sasagutin ni Andanar ang alegasyon laban sa kanya. 

“The allegations are there, but usually – not only usually – the President makes discreet investigation. Hindi natin alam. Most likely, mayroon,” sabi ni Panelo.

Ito’y matapos namang akusahan ni Mon Tulfo sina Andanar at kapatid na si Ben Tulfo na umano’y nasa likod ng P60 milyong kontrata na pinasok ng DOT sa programang Bitag.

Kasabay nito, tiniyak ni Panelo na kikilos ang Department of Justice (DOJ) sa pagkabigo ng mga Tulfo na ibalik ang P60 milyong ibinayad ng DOT.

“The Palace always wants that laws are not only enforced but are obeyed to   its fullest extent. As we said there are no sacred cows in this government, friends or allie,” giit ni Panelo.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending