First impression lasts.
Nabanggit namin ito nang magkakilala sa unang pagkakataon ang producer/actress at talent manager/businessman sa isang event.
Tsumika na agad ang manager kay aktres na ikinagulat nito.
Sabi ng producer/actress, “First time naming magkita, tsika to death na kaagad? Tapos ang dami-dami niyang kuwento tungkol sa mga negosyo niya at projects. Hindi naman ako nagtatanong.”
Hirit naman ng kaibigan ng producer/actress, “E, ipinapakilala niya ang sarili niya sa ‘yo.”
“Hindi ko naman kailangang makilala siya, wala naman siyang ganap sa buhay ko,” kaswal pero halatang nairitang sabi ng producer/actress.
Tsika naman sa amin ng iba pang nasa event ay parang hinihikayat ng talent manager ang producer/actress na mag-sosyo sila sa isang project kaya nagkukuwento ng kung anik-anik.
Pero sa ingay at yabang ng talent manager ay hindi interesado ang actress dahil hindi niya type ang mga taong maiingay at feeling close.
“Alam mo naman lola mo, mapagmasid ‘yan. Sinasakyan lang niya ang trip mo para hindi halatang nabubuwisit siya,” sabi ng taong dikit sa producer/actress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.