Trade union leader patay matapos pagbabarilin sa Cavite | Bandera

Trade union leader patay matapos pagbabarilin sa Cavite

- June 02, 2019 - 05:32 PM

PATAY ang isang miyembro ng Partido Mangggagawa (PM) matapos pagbabarilin sa Tanza, Cavite, Linggo ng umaga.

Katatapos pa lamang ni Dennis Sequena ng seminar sa trade unionism nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa pagitan ng alas-10:30 ng umaga at alas-11:30 ng umaga sa Barangay Bunga.

Si Sequena ang pang-apat na partylist nominee ng PM noong nakaraang eleksyon.

Dinala si Sequena sa General Trias Maternity and Pediatric Hospital sa Cavite, bagamat nasawi habang ginagamot.

Sinabi ni PM chairperson Rene Magtubo na tinanong pa ng isa sa mga salarin ang isa sa mga manggagawa kung siya si Dennis.

Sumagot ang manggagawa at sinabing nagsasalita pa ang hinahanap nila sa loob ng daycare center sa workers’ ville facility ng PM.

Idinagdag ni Magtubo na hinintay pa ng mga suspek si Sequena na makatapos sa pagsasalita at makalabas bago barilin.

“It was an extra judicial killing. It was premeditated,” sabi ni Magtubo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending