FB page ng Parokya ni Edgar ginawang porn site ng hacker
NALOKA si Chito Miranda dahil na-hack ang official Facebook fan page ng Parokya ni Edgar.
“Na-hack yung Official Facebook Page ng Parokya. Tinanggal kami lahat as Admins. Ano kaya magandang gawin? ngayon post ng post ng porn yung page namin!
“We are currently working on getting it back.”
‘Yan ang post ni Chito sa kanyang Instagram account.
Ang mas nakakaloka, may lumalabas na nude videos and photos sa kanilang account. Parang naging porn site bigla ang kanilang Facebook fan page account.
“Hacked! Hassle. Tinanggal kami as Admins. Wag nyo daw i-click yung links baka virus daw.”
‘Yan ang message ni Chito sa kanilang fans and followers.
Palaisipan sa grupo kung sino ang may galit sa kanila. Hindi naman kasi basta-basta na lang iha-hack ang kanilang account kung walang matinding galit ang gumawa nito.
Sari-sari ang reactions ng fans ng PNE.
“Dont get it back. Create a new one na lang po.”
“Akala ko I followed the wrong account kaya ni report ko sa FB at I unfollow it.”
“Sir @chitomirandajr kagagawan ng mga millennials yan kase na offend sa mga kanta #batang90s is the best.”
“Yung nasa MRT ako, pag open ko ng FB yon PNE page ang bungad. Pu**a! Tingin sa akin yong katabi ko. Ang siste kahit unfollow ko na my lumalabas pa rin sa feeds ko kaya unlike ko muna saka na lang ilike ulit pag ok na!”
“Baka isa siya sa mga millenials na ayaw sa Silvertoes. Suggest ko from time to time change your password.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.