DEAR Ateng Beth,
Magandang araw po sa inyo. Ako po si Madeline, taga Maguindanao po ako. May tanong lang po sana ako at sana po ay mabigyan ninyo ng tugon ang liham ko.
Ask ko lang po sa inyo kung ano po ba ang dapat kong gawin kasi ayaw po ng pamilya ko sa boyfriend ko dahil mga manloloko raw ang pamilya niya.
Hanggang ngayon po ay may communication pa rin naman kami ng BF ko at hindi po alam ng pamilya ko na nag-uusap pa rin kami ng BF ko.
Mahal ko po ang BF ko at mahal ko rin po ang pamilya ko.
Ano po ba ang dapat kong gawin? Ayaw ko naman dumating ako sa punto na kailangan kong mamili, mahirap po kasi iyon.
Thank you and more power.
Madeline
Magandang araw rin sa iyo Madeline!
Salamat sa message mo.
Sa totoo lang, hindi kita masisisi kung magtago ka man sa mga magulang mo at ilihim sa kanila na nakikipag-usap ka pa sa iyong BF dahil hindi nga boto ang pamilya mo sa kanya.
Pero I hope hindi magtagal ang pagtatago na iyan. Kaya bago pa nila malaman iyan sa iba, mabuting ipagtapat na sa kanila.
Kung mahal ninyo ang isa’t isa, kailangang ipaglaban ninyo ang inyong pag-ibig.
Huwag ninyong itago ito sa pamilya mo dahil mas masasaktan lamang sila kapag nalaman nila ito sa huli.
Mas mainam sigurong ipaunawa at ipakilala mo sa kanila ang nobyo mo upang maintindihan nila ang mga qualities na nagustuhan mo sa kanya.
Maghanap ng timing. Sabi nga nila na sa timing daw ang solusyon.
Sa huli ay mauunawaan din nila at tatanggapin ang inyong sitwasyon.
Maging patient at positive.
Good luck!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.