Mambabatas nagpaplano na sa presidential polls | Bandera

Mambabatas nagpaplano na sa presidential polls

Den Macaranas - May 31, 2019 - 12:15 AM

MUKHANG desidido na sa kanyang plano ang isang mambabatas na tumakbo sa pagkapangulo sa 2022.
Sinabi ng aking Cricket na nagpadala na ng sugo ang ating bida para makilala partikukar na ang ilang mga bagong kongresista.
Hindi ito gawain ni Sir na medyo may pagka-suplado sa personal.
Ayon sa aking Cricket, isang senador rin ang magiging ka-tandem ng mambabatas na bida sa ating kwento ngayong araw.
Bukod sa magkaibigan ay matagal na rin daw na nagkasundo ang dalawa sa kanilang plano para sa 2022.
Malakas ang kanilang pwersa na pwedeng ipambangga sa manok ng oposisyon o maging ng administrasyon kapag hindi nila nakuha ang basbas ni Pangulong Duterte.
Maugong rin kasi ang mga ulat na baka sumunod sa yapak ng kanyang ama si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Balik tayo kay Sir, kapansin-pansin ang kanyang pagiging laman ng mga balita sa mga nakalipas na buwan.
Kahit busy ang lahat sa kampanya bago ang nakalipas na midterm election ay nagagawa pa rin ni Sir na maipakete ang kanyang sarili bilang source ng mga balita.
Kunsabagay ay hindi na ito bago para sa kanya dahil minsan na rin niyang tinarget ang pinakamataas na pwesto sa gobyerno.

Ang mambabatas na bumubwelo na ngayon para sa kanyang pagtakbo bilang pangulo sa 2022 ay si Mr. P…as in Pinggan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending