Mga miyembro pinaalalahanan na tiyaking makapagbayad sa tamang oras | Bandera

Mga miyembro pinaalalahanan na tiyaking makapagbayad sa tamang oras

Liza Soriano - May 31, 2019 - 12:15 AM

TINANGGAL ng Social Security System (SSS) ang halos P9.5 bilyong multa sa mga short-term loans ng mahigit na 658,000 miyembro nito sa ilalim ng ikalawang Loan Restructuring Program (LRP).

Dahil dito . hinimik ang mga miyembro na nag-aplay sa programa na magbayad ng kanilang restructured loan sa itinakdang oras.

Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio na ang programa, na tumatakbo mula Abril 2018 hanggang Abril 2019, ay muling nag-restructure ng P10.9 bilyon na halaga ng pautang at nagtala ng P4.4 bilyon na halaga ng kita.

Ang mga miyembro na nabayaran na ng buo ang kanilang kabuuang utang sa pamamagitan ng LRP ay maaaring ng makapangutang muli pagkalipas ng anim na buwan mula sa araw ng kanilang pagbabayad.

Wala na silang pangamba na maaaring mabawasan ang benipisyong kanilang makukuha sa darating na panahon tulad ng kanilang retirement pension.

Hinihikayat ang mga kasalukuyang nagbabayad ng kanilang restructured loans na siguraduhing makapagbabayad ng kanilang utang sa tamang oras upang muli rin nilang maibalik ang kanilang magandang estado sa ahensya,” sabi ni Ignacio.

Unang ipinatupad ng SSS ang LRP noong Abril 28, 2016 hanggang Abril 27, 2017 upang matulungan ang mga miyembrong naapektuhan ng kalamidad na nahihirapan na makapagbayad ng kanilang utang gaya ng salary, emergency, educational (old), Study-Now-Pay-Later Plan, Voc-Tech, at Investment Incentive.

Sa unang implementasyon nito, nakapag-restructure ang SSS ng P13.8 bilyon na halaga ng utang at nakapagtanggal ng P13.5 bilyon na halaga ng multa na napakinabangan ng mahigit sa 856,000 miyembro ng ahensya. Kumita rin ang ahensya ng P5.8 bilyon mula rito.

Habang ang unang LRP ay nakapagtala ng magandang resulta, marami pa ring mga miyembro ang hindi nakapag-apply sa programa at humiling ng panibagong LRP. Bilang tugon, binuksan ng SSS ang ikalawang implementasyon ng programa na may pagsang-ayon ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ikinagalak ng SSS naging resulta ng dalawang LRP, lalo na sa bilang ng mga miyembrong tumangkilik dito. Nalagpasan ng unang LRP ang target na bilang ng mga availees ng 68 porsyento at 29 porsyento naman ang naitala ng pangalawang LRP.

Nauunawaan ng SSS na ang mga kalamidad ay ang nagiging dahilan kaya nahihirapang makapagbayad ang mga miyembro ng kanilang utang. Natutuwa kami na sa pamamagitan ng LRP, mahigit na 1.51 milyong miyembro ang natulungan ng ahensya na naapektuhan ng iba’t ibang mga kalamidad upang mabayaran ang kanilang utang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio
SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS Building, East Avenue,
Diliman, Quezon City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending