Pagsama ng ilang celeb kay Duterte sa Japan binatikos; Rodjun, Dianne umalma | Bandera

Pagsama ng ilang celeb kay Duterte sa Japan binatikos; Rodjun, Dianne umalma

Ervin Santiago - May 30, 2019 - 06:23 PM

                 (photo from Dianne Medina Facebook page)

BINABATIKOS ng ilang netizens ang mga celebrities na nasa Japan ngayon na nakasabay umano sa delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa ilang araw na working visit.

Feeling kasi ng ilan, pera ng bayan ang ginamit sa pagsama ng mga celebrity supporters ni Duterte sa Japan kasama ang ilang cabinet members para four-day visit nito roon bilang bahagi ng 25th Nikkei International Conference.

Ang ilan sa mga artistang nasa Japan ngayon ay sina Robin Padilla, Phillip Salvador, Bayani Agbayani, Michael Pangilinan, Martin Escudero, at ang magdyowang sina Rodjun Cruz at Dianne Medina na mga kilalang supporters ni Pangulong Digong.

Nauna nang inihayag ni Philippine Ambassador to Japan na si Jose Laurel V, na ang Nikkei ang gumastos sa pagpunta ng Pangulo sa Japan.

Mariin ding pinabulaanan ng Palasyo na ang pagbiyahe ni Duterte kasama ang 200 delegasyon ay regalo ng Pangulo sa kanyang mga gabinete matapos manalo ang inendorso niyang mga kandidato last elections.

Ang unang umaray sa mga malilisyosong chika ng bashers sa Instagram ay ang engaged couple na sina Rodjun at Dianne. Dinenay nila na mula sa “taxpayers money” ang ginastos nila patungong Japan.

Isang netizen ang nagkomento sa isang IG post ni Rodjun ng, “Just wondering kasi nakita ko picture ninyo sa airport, kasama ba kayo sa grupo ng mga taga gobyerno na nagpubts diyan or natiyempuhan Lang na nakita ninyo sila sa airport?”

Reply sa kanya ng Kapuso actor, “Hi guys may freedom naman ako to post Dahil kami nag bayad ng trip Na toh. Mali Lang jinujudge kami ng mga Tao. Madaming bansa na kaming napuntahan ni dianne bukod sa Japan. Ilang beses narin kami bumalik Dito. Salamat God bless.”

Hirit naman ng isang @odlaguitan na may duda sa sinabi ni Rodjun, “Owwsss?” Ang fiancée na naman ni Rodjun na si Dianne ang sumagot sa kanya.

“@odlaguitan mahirap kasi sa inyo sinabi na ang totoo. So kung may sabihin man or wala people will still accuse us. pls stop im here for the filcom event and for news coverage,” ani Dianne.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isang @iamcafeterya naman ang nagkomento ng, “@dianne_medina may post sa fb grupo nyo sa japan kasama sila bayani philip salvador etc at dalawa kayo bi rodjun sabi regalo daw sa inyo ni PRRD.”

Ipinagdiinan ni Dianne na sila ang nagbayad ng airfare nila, “@iamcafeterya not true. Di ka pa nasanay sa mga naninira. You cannot please everybody. May kanya kanya yang opinion or side na pinapanigan. Kahit sabihin mo ang totoo pero di ka nila side baliwala.
“Kayo na ang bahala basta ako nasabi nanamin ni Rodjun ang totoo. Regalo? San galing yun? We booked our own ticket going here. We are here for the Filcom event,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending