Kapuso viewers awang-awa kay Tom; Janine walang patawad | Bandera

Kapuso viewers awang-awa kay Tom; Janine walang patawad

Bandera |May 31,2019
facebook
share this

Kapuso viewers awang-awa kay Tom; Janine walang patawad

Bandera - May 31, 2019 - 12:35 AM

TOM RODRIGUEZ AT JANINE GUTIERREZ

HATI ang emosyon ng mga Kapuso viewers sa ginagawang pagkokontrabida ni Janine Gutierrez sa GMA Aftertoon Prime series na Dragon Lady, after Eat Bulaga.

In fairness, convincing ang akting ni Janine bilang si Scarlet na patuloy na naghihiganti laban sa mga taong nang-api sa kanya at sa mga magulang.

Hindi talaga niya titigilan sina Vera (Maricar de Mesa) at Astrid (Joyce Ching) hangga’t hindi bumabagsak ang mga ito at magmakaawa sa kanya. Pero ang hindi talaga kinakaya ng mga manonood ay ang pagpapahirap niya kay Michael (Tom Rodriguez) kaya naman awang-awa na sa kanya ang netizens.

Matapos ipahiya at pagsalitaan ng masasakit nitong nakaraang episode, tinapunan pa ni Scarlet ng wine ang binata para iparamdam dito ang matindi niyang galit.

In fairness, affected talaga ang fans ni Tom sa ginagawang paghihiganti sa kanya ni Janine, lalo na sa madrama nilang eksena sa ulanan kung saan basang-basa si Tom. Comment nga ng netizens, gusto nilang puntahan si Scarlet para tigilan na ang pagpapahirap kay Michael dahil feeling nila love na love pa rin nito ang binata.

May nagsabi naman na dapat lang sirain ni Scarlet ang buhay ni Michael dahil sa mga pananakit nito sa dalaga.

Samantala, panalo ang bagong pasabog ni Scarlet laban kina Vera at Astrid! May pa-Sexbomb game pa sila ni Calista (Aira Bermudez) para takutin ang dalawa. Pinapili sila kung ano ang gusto nilang eksena para sa kanilang pagkamatay na mala-game show.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending