Mariel napaiyak nang malamang buntis uli: I was really worried!
NAG-ALALA ang TV host-actress na si Mariel Rodriguez nang malaman niyang buntis uli siya sa ikalawang baby nila ni Robin Padilla.
Ang una raw niyang naisip ay ang panganay nilang si Isabella dahil sa ayaw at sa gusto nila ni Binoe ay talagang mahahati na ang kanilang atensyon kapag lumabas na ang bago nilang baby.
“I was worried. This one is a super surprise, I wasn’t planning it at all, I was in tears. I was worried na how will Isabella react. Kasi she’s the sun and moon and the world in the house. She’s the princess,” ang pahayag ni Mariel sa panayam ng ABS-CBN.
Pero naniniwala naman ang misis ni Robin na makaka-adapt din si Isabella sa tamang panahon at sigurdong mamahalin din nito ang kanyang magiging kapatid.
Sa tanong kung boy o girl ang gusto niyang maging kapatid ni Isabella, “Girl or boy, I win either way.
Boy, okay because I have one boy and one girl so perfect. Pero kasi I also have a sister. Dalawa lang kami ng sister ko. And iba ‘yung bond ng sisters. So if she gets a sister, I still win.”
Dugtong pa niya, “Like what I always say, si Isabella, she’s for me. Para sa akin siya para magkaroon ako ng anak. Kaya ko gusto magkaroon pa ng isa pang anak, para ‘yun sa kanya para meron siyang kapatid.
Whatever gender, we will be so blessed.”
Feeling din ni Mariel, adjusted na siya sa pagbubuntis kaya kahit medyo malaki na ang tiyan niya ay tuloy pa rin siya sa pagre-report sa It’s Showtime. May blessing na rin daw ito ng kanyang mister.
“This pregnancy is more relaxed. Kay Isabella, from the dressing room to the studio, I’d bleed. So I’d be in the hospital already. Ang dami kong beses na ganu’n with Isabella. Ito, no bleeding. It’s a lot easier that way,” aniya.
Tinanong din si Mariel kung ilan pa ang gusto niyang maging anak nila ni Binoe, “Dalawa lang. I just wanted Isabella to have a sibling and okay na ako doon.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.