INGGIT na inggit ang mga girls and gays kay Kiray Celis! E, kasi nga, after Derek Ramsay, ang Kapuso hottie namang si Clint Bondad ang magiging leading man niya.
Sila ang bibida sa bagong kuwento ng Daig Kayo Ng Lola Ko, ang “Super Kiriray and the Wonder Kids” na magsisimula na ngayong Sunday.
Gaganap si Kiray bilang si Kakai, isang simpleng dalaga na may secret superhero identity, na tatawaging Super Kiriray.
Pero kailangang mamili ni Kakai kung ano ang pipiliin niya, kung paninindigan niya ang pagiging superhero o ang i-give up ang kanyang powers kapalit ng lovelife.
In fairness, talagang sinusuwerte si Kiray sa bakuran ng GMA. Mula nang lumipat siya sa Kapuso Network ay hindi na siya nawalan ng projects. Bukod sa primetime series na Love You Too, heto’t bidang-bida naman siya sa Daig Kayo Ng Lola Ko, with Clint Bondad pa as her ka-loveteam.
Comment nga ng ilang fans ng komedyana, pwede na siyang lumebel ngayon kay Catriona Gray, ang ex-girlfriend ni Clint.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.