Gladys may 3 anak sa pagkadalaga; iba’t iba ang tatay | Bandera

Gladys may 3 anak sa pagkadalaga; iba’t iba ang tatay

- May 30, 2019 - 12:05 AM


ALIW na aliw ang mga netizens sa pasabog ng TV host-stand-up comedian na si Gladys Guevarra tungkol sa relasyon niya sa tatlong Kapuso stars.

Super close pala si Gladys sa kanyang Sunday PinaSaya co-stars na sina Julie Anne San Jose, Bianca Umali at Barbie Forteza kaya parang tunay na anak na ang turing niya sa mga ito.

Nag-post si Gladys sa kanyang Instagram account ng litrato nilang apat na may caption na, “May story kaming nabuo na sa lagi naming pagke-kuwentuhan at pagsasama-sama.

“And the story goes a little something like this… Silang tatlo, e, anak ko sa pagkadalaga. Ang clue, puro artista ang tatay nila.

“At ngayon, first time ko napagsama-sama sa isang litrato ang mga anak ko. Iba-iba ang tatay nila. Try mo nga, wild guess lang.

“Nasa bakuran lang ng SPS ang mga ama nila. Ang makahula sa tamang straight na tatlo, reregaluhan ko ng perfume at may chance na makanood ng live sa Sunday Pinasaya sa GMA studio,” sabi pa ni Gladys.

Dugtong pa niya, “Kaming apat lang talaga nakakaalam kung sinu-sino ang ama nila. Ikaw, bet mo ba manghula? Ang announcement ng tumamang sagot, e, hanggang Thursday night lang.

“Isang tao lang ang mananalo. At ‘yun ay yung talagang makakahula ng straight na tatlo.

“Halimbawa: Ang tatay ni @bianxa ay si . . . Ang tatay ni @barbaraforteza ay si . . . Ang tatay ni @myjaps ay si . . . ? Handa ka na ba? Game!”

In fairness, marami ang natuwa sa pa-contest ni Gladys kaya naman kanya-kanya ring sagot ang kanyang followers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending