UMABOT sa 16 na miyembro ng Gabinete ang kasama sa official visit ni Pangulong Duterte sa Japan sa kabila na umiiral na ban sa mga junket at mga biyahe sa ibang bansa.
Sa ipinalabas na listahan ng Malacanang, kabilang sa mga kasama sa delegasyon ni Duterte, bukod pa sa mga kasamang mga staff ng mga miyembro ng Gabinete sina Foreign Affairs Sec. Secretary Teodoro Locsin, Finance Sec. Carlos Dominguez III, Agriculture Sec. Emmanuel Piñol, Public Works Sec. Mark Villar, Secretary to the Cabinet Karlo Nograles, Trade Sec. Ramon Lopez, Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, Transportation Sec. Arthur Tugade, Science and Technology Sec. Fortunato Dela Peña, Energy Sec. Alfonso Cusi, Information Sec. Eliseo Rio Jr., Sec. Ernesto Pernia, Director-General of the National Economic and Development Authority, Communications Sec. Martin Andanar, Secretary Hermogenes Esperon, Jr., National Security Adviser and Director-General ng National Security Council, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, at Mr. Carlito Galvez, Jr., Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity.
Matatandaang ipinalabas ni Duterte ang Executive Order Number 77 noong Marso 15, 2018 na nagbabawal sa mga biyahe ng mga opisyal ng gobyerno.
Tumulak si Duterte ngayong hapon papuntang Japan at nakatakdang bumalik sa Pilipinas sa Hunyo 1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.