Matteo naki-join sa Mindanao trip ng AFP para sa ‘Ramadan’
EXCITED si Matteo Guidicelli na makita at makilala ang mga kababayan natin na naninirahan sa kabundukan ng Zaboanga at Cotabato sa Mindanao.
Matapos ngang maging 2nd Lieutenant bilang isa sa mga commissioned reserve officer ng Philippine Army, isinama si Matteo ng mga opisyal ng AFP para personal na masaksihan ang iba’t ibang proyekto ng militar sa ilang bahagi ni Mindanao.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ang aktor kanina ng kanyang litrato kasama ang iba pang reservist at ilang Army officials na nakasakay sa isang military plane.
First time raw niyang makakapunta sa Zamboanga at Cotabato kaya looking forward siya sa mga matututunan niya roon bilang sundalo.
“With ARESCOM MGen Langub and MGen Gotico, flying out this morning to Zamboanga then proceeding to Cotabato for ‘Kalilintad sa Timpu sa Ramadan.’
“Can’t wait to spend time with our kababayans! It will be my first time in the area. Flying out now!” ang caption niya sa kanyang IG post.
Kung matatandaan, naging opisyal na member ng Army Reserve Command si Matteo last April. Aniya, nagdesisyon siyang mag-join sa Army dahil nais niyang pagsilbihan ang bayan.
“Because I’m a Filipino and I love my country. I think this is another avenue na i-share ko yung sarili ko sa bansa ko… Kumbaga makatulong ako sa bansa ko,” ang sey ni Matteo sa isang panayam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.