Janine nagkaroon ng abs sa loob lang ng 27 days | Bandera

Janine nagkaroon ng abs sa loob lang ng 27 days

Bandera - May 29, 2019 - 01:10 AM

JANINE GUTIERREZ

SA loob lang ng 27 days, nakuha ni Janine Gutierrez ang kanyang target weight with matching abs pa para sa kanyang photo shoot.

Ibinahagi ng Kapuso actress sa kanyang bagong vlog entry sa YouTube kung paano niya na-achieve ang kanyang fitness goals para sa ginawa niyang sexy pictorial for a glossy magazine.

Dito inamin ng dalaga na may mga pagkakataon na tinatamad siyang mag-workout lalo na kapag pagod na pagod siya sa taping at shooting. Nagiging motivated lang siya kapag meron siyang bagong project.

At sino naman ang taong nagmo-motivate sa kanya kapag super tamad siyang pumunta sa gym? Siyempre, ang kanyang boyfriend na si Rayver Cruz.

Ipinakita ni Janine sa kanyang vlog ang isang video clip na kuha sa gym kung saan mapapanood ang ginagawa nilang workout together.

“Good thing I had a fitness buddy for an added push and to be my cameraman,” sabi ng dalaga.
Tinanong pa niya si Rayver ng, “Anong masasabi mo sa pagdyi-gym ko?” Sagot naman ng binata, “You’re so strong na.”

Nagpasalamat din ang dalaga sa kanyang dyowa sa patuloy nitong pagsuporta sa kanyang fitness goals.

Dahil daw sa tiyaga ni Rayver at ng iba pa niyang fitness coach ay mabilis niyang nakuha ang kanyang target look at may bonus pang abs.

Makikita ang resulta nito sa kanyang Instagram photos kung saan nakasuot siya ng puting two-piece bikini na talaga namang pinusuan ng sandamakmak na netizens, kabilang na ang ilang celebrities na napa-wow sa kanyang kaseksihan.

Samantala, wagi pa rin sa ratings game ang Dragon Lady habang painit na nang painit ang mga eksena sa buhay ni Scarlet (Janine). Sa mga susunod na episode, tutukan kung paano muling mababago ang kapalaran ni Scarlet sa pababalik ng mga taong inakala niyang matagal nang patay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya huwag nang bibitiw sa nangungunang afternoon series sa bansa after Eat Bulaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending